Nerdy 11

143 3 0
                                    

SAMANTHA's POV.

Umalis na si Kyle. Mauubos ko na rin yung pagkain ko, mabagal ako kumain eh, sorry naman.

Wala pa namang time e. Pupunta muna ako ng library, mahaba haba pa naman yung oras e before my next subject.

After kong kumain, naglakad na ako papuntang library. Nakasalubong ko yung sinasabi nilang 'Terror Teacher' daw. Masungit daw yun e sabi ng ibang estudyante. Buti nalang hindi ko pa sya nagiging teacher.

Pagkadating ko ng library, naghanap agad ako ng magandang babasahin. Siguro fiction muna yung hahanapin ko. Pansin ko lang, ang konti napang ng student sa library. Tss, halos lahat siguro nagkalat sa baba.

Mahilig akong magbasa ng wattpad. Hahahahaaha, kahit ganito yung itsura ko.

Nung medyo na bored na ako, umalis na ako ng library at pumunta na sa classroom kahit hindi pa nag riring yung bell, dun nalang ako magstastay. Matutulog nalang ako dun.
Nung narining ko na ang bell, bigla akong nagising. Time na pala.

Pagkagising ko, medyo marami rami na rin ang nasa loob ng classroom. Pero wala pa rin si Kyle. Sana nga hindi na yun pumasok e, he's a total jerk.

Mga ilang minuto ay dumating na din ang aming professor, kasabay nya si Kyle. Tss, forever Late?!

Ang subject namin ngayon ay History. History is one of my favorite subject kaya excited akong makinig ngayon ng lecture.

Pag history yung klase namin hindi ko katabi si Kyle, hay salamat. Hindi ko sya katabi dahil nasa unahan sya nakaupo. Para daw makita ng professor namin kung ano ano ang pinag gagawa ni Kyle.

Ang ganda ng lesson namin ngayon. Mag papa quiz daw si Prof bukas. Madali lang yan hahaha.

After ng History class namin ay uwian na. Hay salamat makakauwi na rin. 15 minutes nalang, uwian na.

-
Ugh, grabe traffic pauwi. Kasama ko ngayon si Kuya. Anlakas ng ulan.

Ansama ng tingin nya sakin kanina dahil sa ginawa ko sa kanya kaninang umaga hahaha.

Halos 10 minutes na kaming stuck sa traffic ni kuya. Gagabihin na siguro kami ng uwi. Nag-patugtog nalang akong kusic para hindi boring.

-
Nakauwi narin kami. 6:15 pm na. Madilim na sa labas.

"Oh, mga anak. Late na kayo nakauwi." sabi ni Mama pagkapasok namin ng bahay.

"Na-traffic kami Mom." pagpapaliwanag ni kuya sabay halik sa pisngi ni mom.

"Ang lakas pa ng ulan" sabi ko naman. Nagugutom na ako. Ano kaya ang ulam.

"Ma, akyat muna ako" sabi ni kuya, umakyat na sya. Sabay kaming napatingin kay kuya nang sabihin nya iyon. Hahaha, mukang may problema si loko.

"Ano problema nun?" tanong ni Mom. Nag kibit balikat ako bilang sagot at sabay kaming tumawa.

"Anong ulam mom?" Tanong ko dahil gutom na talaga ako. "Sinigang anak" sagot ni mom. Wow! My Favorite !! Kakain na nga ako hehe.

"Tara mom, let's eat" yaya ko. Gutom na gutom na talaga ako e. "Hindi na ba natin hihintaying ang kuya mo?" Tanong ni mommy. Ay, nakalimutan ko si Kuya. Lol.

"Ay, oo nga pala. Tawagin ko po muna sya mom." Sabi ko at umakyat papuntang kwarto ni kuya.

*knock knock knock* "kuyaaa! Kakain na po!!" sigaw ko. "Oo. Sandali lang, susunod na lang ako" sagot ni kuya. "OKAAAAAAY"

Bumaba na ako para makapaghanda na ng table. "Asan na kuya mo?" tanong ni mommy. "Susunod nalang daw po sya"sagot ko.

After kong mag-set ng table, kumain na kami.

Mmmm! Ansarap talaga ng luto ni Mommy! Sa kalagitnaan ng pagkain namin ni Mommy, nakita naming pababa na si Kuya. "O anak, tara kumain ka na" yaya ni mommy. "Sige po" sabi ni kuya. Umupo na sya sa tabi ko at nagsimulang kumain.

Pagkatapos namin kumaing lahat, umakyat na kaming dalawa ni kuya sa sari-sariling kwarto namin.

After kong magbihis ay gagawa na ako ng assignments at mag aaral.

Ano nanaman kaya ang bagong ganap bukas?! Hays. Sana maging normal lang na araw bukas.

After kong mag basa at mag aral. Bumaba muna ako at kumuha ng tubig.

"O, sam anak bakit gising kapa?" Tanong ni mommy. "Kukuha lang po ako ng tubig. At matutulog na rin po, hehe" sabi ko.

"O sya sige, after mo nyan, matulog ka na ha. Aakyat na rin ako." Sabi ni mom. "Sige po, good night mommy. I love you!" sabi ko.

"Good night baby damulag ko hehe" sabi ni mommy. At umakyat na rin kami para matulog.

Falling Inlove with a Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon