ellain smith

3.1K 88 5
                                    

THIRD PERSON'S P.O.V

Iyak lang ng iyak ang dalagang si ellain sa kanyang silid habang nakatingin sa litrato ng lalaking mahal mahal niya

"Akala ko nagagawa mona ko ulit mahalin... Akala ko nakakalimutan mona siya... Akala ko wala na siya diyan sa puso mo ... Akala ko ako na... Akala ko lang pala ang lahat!! Puro lang pala ako akala!!" Napasigaw na ang dalaga at naibato nalamang ang litratong hawak hawak nito dahilan upang mabasag ang frame nito at makalikha ng napakalakas na tunog kaya agad na pumunta sakanyang kwarto ang kaniyang parents at binigyan ito ng yakap ng kaniyang ina

"Pangit ba ko moom..? Dad..?" Tinanggal niya ang kaniyang wig at tinignan ang kaniyang sarili sa salamin na malapit sakanya muli niyang tinignan ang sariling naglalagas na ang mga buhok, sobrang payat na katawan  at ang  dating maaliwalas na mukha na ngayon ay make up na lamang ang nag dadala

"Hindi ka pangit anak okay?" Sambit ng kaniyang ama na di na din mapigilan ang pagpatak ng luha dahilan upang mas mapahagulgol sa iyak ang dalaga

"Ginawa ko naman lahat eh pero bakit di niya padin ako magawang mahalin?" Umiiyak na sabi nito imbis na sumagot ang kaniyang mga magulang ay niyakap na lamang nila ito
Ilang minuto silang nanatili sa ganun at maya maya lamang ay napagpasiyahan na ni ellain na bumitaw

"Gusto ko po munang mapag isa" seryosong tugon nito na nagkatinginan naman ang parents niya at tumango sabay umalis

Pero bago sila makaalis at ngumiti ito isang ngiti na mapait at may pinahabol pang sabihin

"Dad mon thank you, thank you for everything i'm lucky bacause of you. Both of you" mahinang sambit nito

PEOPLE CHANGE Where stories live. Discover now