BITTER ME

257 16 14
                                        

Kat's POV

Tss... kailangan ba ako ang magPOV dito? Nandyan naman si Nic oh! Kainis naman to -____- Hoy kung iniisip nyo lalaki si Nic HELL NO! Never akong magkakaroon ng kaibigang LALAKI! MGA BWISIT SILA! Aish Nic ikaw na nga muna.

Nic's POV

Nako pagpasensyahan nyo na po ang bestfriend ko masama lang po ang gising nyan. Nag-away nanaman kasi ang parents nya.

Mabait naman si Tito eh. Kaso nga lang BABAERO -___- bakit kasi hindi nya maiwasang mambabae?

Kayo nga mga lalaki pakicomment sa baba kung bakit?

Kat ok ka na?

Kat: mendyo tss... -___-

Oh di ikaw na magPOV ikaw bida dito eh.

Kat's POV

Badtrip naman oh! Bakit ba kailangan pa nilang ipakita samin na...

na hindi sila magkasundo!

na may BABAE si papa!

na kulang ang kinikita nila para buhayin kami!

na hindi nila kayang ibigay ang lahat ng kailangan at mga gusto namin!

At ang pinakamasakit sa lahat na hindi nila mahal ang isa't-isa!

Eh bakit pa sila nagsasama kung ganon?

Para daw samin ng kapatid ko. Eh tanga pala sila eh. Ano yon para ipamukha samin ang mga bagay na yan?

Hindi ba nila alam na kahit nananahimik ako at hindi sila pinapakialaman ay nasasaktan akong makita silang ganon?

Ayan naiiyak nanaman ako. Ang hirap ng ganito ha? Na ang tingin sayo ng lahat ang tapang-tapang mo, pero sa pinakaloob mo ikaw ang pinakamahinang tao.

Hindi na ako nakaderetsyo sa room, dalidali akong naglakad ng mabilis papunta sa ladies room. Sumunod lang sakin si Nic kasi sanay na sya sakin at alam nya na ang gagawin ko don.

Pagdating namin don, agad nilock ni Nic ang pinto at niyakap ako.

Ilang minuto rin kaming ganon bago sya nagsalita.

“Tama na Kat lagi namang nangyayari yon eh masanay ka nalang.” bumitaw ako sa yakap ni Nic bago nagsalita.

“Tik na yan. Pano ako masasanay sa ganong eksena nila na kada maghaharap sila nag-aaway sila?” nawala ang lungkot ko at tumigil sa pagtulo ang luha ko dahil don.

“Mas mabuti pa kung maghihiwalay nalang sila eh.” inis na sabi ko.

“Wag ka ngang magsalita ng ganyan.”

“Hindi naman nila mahal ang isa't-isa eh.”

*toink*

“Aray naman.” reklamo ko habang hinihimas ang ulo ko na binatukan nya.

“Sa tingin mo ba kung maghihiwalay sila hindi ka masasaktan?”

“Hindi!” sagot ko.

“Stop acting strong in front of me Ms. Bitter. Kilala kita baka hindi lang pag-iyak ang gawin mo kapag naghiwalay ang parents mo.”

“At ano naman ang gagawin ko bukod sa pag-iyak aber?”

“Hmm... mag--”

*tok tok tok*

Naputol ang sinasabi ni Nic nang may kumatok sa pinto.

Bitter Me (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon