MIOS: Part 9

187 8 6
                                    


Author's Note:

Hi guys! Sorry for the wait, busy sa outside world, tapos finals pa kaya maraming ginagawa. Sinisingit ko nalang sa free time ko ang pagsusulat. :)

Konting update sa buhay ko (kung okay lang). Out of 21 competitors, we placed 13th in the Elite Internationals! Okay na yun para sa first timer diba? Kayo ba? Anong mga competition ang sinalihan ninyo, comment down below and let's have a little discussion!

Also, I've been having my writing workshops! So sorry po for the earlier parts, medyo magulo! Ngayon ko lang naintindihan. But starting from this part onwards, mas maayos na po ang pagnanarrate ko sa story.

Tsaka ko nalang po iedit ang ibang parts pag natapos ko na po yung libro!

Salamat po sa suporta ninyong lahat! Isa kayo sa mga inspiration ko sa pagbuo ko sa librong ito!

PS. May concept ako para sa isang love story!!! Comment down below kung ipopost ko ba ang first part niya or hindi :) Pero ewan ko hahaha feel ko isulat yun.

Anyways, here is the chapter! God bless!

May three parts itong Part 9 okay? Hindi ko kasi masyadong maisulat kung ano nararamdaman ko, ewan ko kung bakit. Please bear with me.

--

(This happened the day before the Gloom Council attacked Metarth Institute)

Tania's POV

Tiniklop ko ang ang aking kumot at itinabi ito sa aking mga unan. Tamad na tamad akong gumalaw, pero kailangan daw ako sa opisina ni Headmistress.

Ginulu-gulo ko buhok ko, tumigil, at ginulo-gulo ulit buhok ko. "Nakakatamad naman talaga oh!" Sigaw ko.

Sa gilid, nakita ko sa aking peripheral vision na yung kumot na yinayakap ni Yasmine. Nako baka magising ko siya. Makaalis na nga dito. Bulong ko sa sarili ko.

Matapos kong maligo ay nag-ayos lang ako ng buhok at iniwan na ang dorm namin ni Yasmine. Tinignan ko ang oras, "Nako, alas cinco pa lang. Ang aga talaga." Busangot ko.

Hindi ko alam kung anong meron pero pinapatawag daw kami ng Headmistress. Yes, kami, hindi ko nga alam kung sino-sino ang mga makikita ko dun e.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng may nakita akong pamilyar na hubog ng isang tao. "Keith?" Tanong ko. Tumigil naman ito at liningon ako. "Keith!" at tinakbo ko papalapit sa kanya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Pinatawag ka rin ba sa opisina ni Headmistress?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, o-oo eh. I-ikaw rin ba?" Tanong niya sa akin.

"Oo din." Sagot ko.

Ang totoo niyan, nasa mundo palang ako ng mga tao, nakikita ko na si Keith. Madalas kapag nagtitipon ang aming mga magulang para sa isang kainan o simpleng get together, sinasama kaming mga anak kaya kahit papaano, pamilyar na ang mukha namin sa isa't isa, pero ni minsan, hindi kami nag-usap.

"Kamusta naman ang mama mo?" Pagbabasag ko ng katahimikan habang naglalakad kami.

"Okay naman siya. Ikaw, nakausap mo na tatay mo?" Tanong niya sa akin.

Nako, oo nga ano. Simula nung dumating kami dito sa Metarth Institute, hindi ko na siya nakontak. "Hindi pa." Malungkot kong tugon.

"Try mong kontakin gamit ang hangin, tutal Vox rin naman ang iyong ama." Pagsusuggest ni Keith.

Ngayon ko lang narinig yun. Pwede pala yun?

"Pwede pala yun. Sige susubukan ko."

Nakarating na kami sa opisina ng Headmistress. Kumatok si Keith at pumasok na kami.

"Hay nako, ang tagal niyo talaga, oo." Pambungad ng isang lalaki na nakahiga sa sofa ni Headmistress.

"Imbitado ka rin pala Justin." Bungad ko sa kanya.

"Oo nga eh. Bakit kaya?" Tanong nito.

"Isa lang dahilan." Sagot naman ni Keith.

Tama si Keith, kapag kaming tatlo ang pinatawag, isa lang ang dahilan. May kinalaman ito kay Yasmine.

"Good morning, Tania, Justin, at Keith." Bati sa amin ni Headmistress. Napatingin naman kaming tatlo sa kanya.

"Good morning Headmistress." Bati rin namin sa kanya.

"Pinatawag ko kayo dahil kailangan ko ng tulong ninyo." Sabi niya sa amin. "Si Yasmine, alam kong alam ninyo ang kanyang estado sa buhay ngayon. Kailangan natin siyang protektahan, dahil siya ang pakay ng Gloom Council." Dagdag niya

"Gloom Council? Interesado sila kay Yasmine?" Tanong ni Justin.

"Oo, Justin. Kaya kailangan ko ng tulong ninyo. Kayong tatlo lang ang malapit kay Yasmine. Kayo lang ang may kakayahang bantayan siya at protektahan siya." Sabi ni Headmistress.

"Pero Headmistress bakit kailangan naming protektahan si Yasmine? May panganib po ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hija, hindi ko masasagot ang iyong tanong pero simula nung dumating si Yasmine dito sa Metarth Institute, may mga balita kaming natatanggap na may umaatake sa mga bayan ng Hanex." Tugon nito.

"Ano?! Idinadamay niyo si Yasmine sa mga kaguluhang nangyayari sa mga bayan ng Hanex?" Tanong ni Justin na may halong galit.

"Justin kumalma ka." Pakikiusap ko sa kanya habang tinatapik ang kanyang likuran. Tinignan niya naman ako kaya kahit papano, kumalma siya.

"Kaya kailangan ko ng tulong ninyo, hangga't patuloy ang aming imbestigasyon tungkol sa mga nangyayaring pag-atake, protektahan niyo si Yasmine dahil posible na siya ang punterya dahil siya ay isang Yellowfrost." Sagot ni Headmistress.

"Paano namin siya proprotektahan?" Tanong ni Keith.

"Gamitin ninyo ang inyong mga kapangyarihan kung kinakailangan, bantayan niyo ang kanyang mga galaw, mga pinupuntahan niya. Lahat."

"Ginawa niyo namang preso si Yasmine." Sagot ni Justin na nagtitimpi ng galit.

"Maaasahan niyo ako, headmistress."

Tumingin sa akin ang matanda at tumango.

"Wow! Tania of all people! Ikaw talaga ang pumayag?! Sorry, hindi ako makakapayag sa hiling mo headmistress. I'm out!" At binuksan niya ang pintuan at lumabas na.

"Ako rin headmistress, asahan ninyo." Sabi ni Keith.

--

Metarth Institute of SpellsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon