MIOS: Part 9 (II)

186 9 16
                                    

Author's Note:

Eto na siya guys! :D

--

Tania's POV

"Keith, kamusta ang training mo kay Ma'am Miely?" Tanong ng headmistress sa kanya. Hindi na namin nagawang habulin si Justin dahil na rin sa hindi pa kami pinalalabas ng opisina.

"Okay naman po. Pero headmistress, wala parin akong natututunan na makakatulong sa amin sa pagprotekta kay Yasmine, ang tanging alam ko lang gawin ay kumausap sa mga puno." Sagot ni Keith.

"Buti nga ikaw tinuro na yan sa'yo e, sa akin ngay, ipunin ko lang yung hangin, yun na. Walang kwenta." Sabat ko.

Napangiti ang headmistress. "Hindi niyo madadaan sa madalian ang inyong training," tumayo siya sa kanyang pagkakaupo. "kailangan niyong simulan sa pinakamadadali bago niyo aralin ang mga pinakamahihirap." Banggit nito habang naglalakad papunta sa kanyang mga libro.

"Pero headmistress, ang pag-usap ng mga Theran sa mga puno ay ang kanilang special ability." Muli kong sabat. Totoo naman e!

"Tama ka dyan, Tania, pero yun din ang pinakamadali. Natural sa mga Theran ang kumausap sa kalikasan." Depensa ng headmistress.

Kinuha niya ang dalawang libro sa kanyang bookshelf at dinala sa kanyang la mesa.

"Ano yan?" Tanong ni Keith.

Jusko! Nakalimutan ko na nandito pala si Keith, ang daldal ko kasi. Nakakahiya ka talaga Tania! Habang nag-uusap ang dalawa, napatingin ako kay Keith.  Dati rati, nakasalamin ito ng kulay itim dahil malabo ang kanyang mga mata, yun ang pagkakaalam ko. Ngayon, hindi na. Dumagdag pa sa hitsura niya.

Stop it Tania! Kung ano man meron nung nakaraan, matagal mo na 'yong tinanggal!

"Ang mga librong ito ay libro ng inyong mga exousia." Pagpapaliwanag ni headmistress. Napatingin naman ako sa librong hawak niya. "Dalhin niyo ito sa inyong mga silid at basahin ninyo." Dagdag niya.

Inabot niya sa amin ang mga libro. "Ano naman po ang maitutulong nito, headmistress?" Tanong ko sa kanya habang finefeel yung cover nung libro.

Ngumiti si headmistess. "Marami kayong matutunan sa libro, sila ang pinakamagagaling na guro."

Hay nako mga matatatanda talaga, witty.

"Sige na, lisanin niyo na ang aking opisina. Patatawag ko nalang uli kayo kapag may ibabalita ako sa inyo."

Nagbigay pugay kami ni Keith at lumabas na sa kanyang opisina.

Mula sa peripheral vision ko, binuklat ni Keith ang kanyang libro at sinimulang iskan ang mga laman nito. "Masisira mata mo nan, upo tayo, para makapagconcentrate ka." Pag-aaya ko sa kanya.

Nako Tania, magpakabait ka!

"Sige." Napakaiksi niyang sagot.

Tahimik lang kaming naglalakad sa corridor at umupo sa may bench na may bintana pero walang bintana, gets niyo ba ako? Yung parang outline lang ng window pero walang bintana? Yung ano ngay, yung, ah basta! Windowless na window! Yun yun!

Sinimulan ko naring buklatin ang libro na ibinigay sa akin ng headmistress. "Wow. Culture of Vox, History of Vox, Powers by Vox! Gusto kong aralin lahat ng 'to!" Pasigaw kong pagsasabi. Tinignan ko si Keith. "Keith, pag namaster natin to,kayang kaya na nating protektahan si Yasmine." Sabi ko.

Tumingin siya sa akin, napakablanko. "Tss. Kung kaya mong imaster yan sa isang araw, be my guest." At ibinaling muli ang atensyon sa kanyang libro.

Metarth Institute of SpellsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon