Bawat araw na nagdadaan
Nakakapagod, walang hangganan
Sa lugar na nakakasulasok
Ako'y nasusubok
"Anak, kumain ka na muna. Nakapaghanda na ako ng pagkain."
Isang ngiti mula sa kanya ang sumilay
Na nagpagpagwala ng aking tamlay
Biglang nalimot ang lungkot na nananalatay
Pagod man sa gawaing bahay
Tuloy pa rin ang aking buhay
"Nay, papasok na po ako."
Pagkatapos kumain, lumisan upang pumasok sa paaralan
Hindi alintana ang init na pumapailanlang
Habang naglalakad, utak ay lumilipad
Mga posibilidad ay lumalantad
Pumapasok sa paaralan upang pamilya'y matulungan
Nagsisikap para sa kinabukasan
Ngunit sa isang iglap, nasayang ang lahat
Ako'y isa na lamang ala-alang hindi malilimutan ng lahatMahabang buhok, makinis na balat
Mapupupang labi na may matamis na ngiti
Matangos ang ilong, perpektong pagkakahubog
Bilugang mga mata na malim kung tumingin
Wala na ang gandang iyon
Dati'y pawis lamang ang dumadaloy
Ngayo'y dugo na ang nadaloy