Bukid

17 1 0
                                    

Madilim ang kalangitan
Ngunit araw ay nakasilip
Pinapakita ang kagandahan
Na likha ng Maykapal

Mga berdeng halaman
Mga punong nagtataasan
Nakahanay na kabahayan
Nagkalat sa kapaligiran

Payapa ang paligid
Mga huni ng ibon
at kaluskos ng hangin
Iyong maririnig

Kalmado ang lahat
Tila walang problema
Ganito kaganda
Mundong ginagalawan

My Random PoemsWhere stories live. Discover now