Prologue

109 26 7
                                    

Sa bawat araw na nagdaan, walang araw na hindi ako nahirapan.

Ang hirap kapag nawala sayo ang isang bagay na kinasanayan mo na. Kasi alam mong hahanap hanapin mo pa rin sya.

Ang hirap palang sabihin na okay ka, kasi alam mo sa sarili mo na may nasaktan kang iba.

Mahirap pala kapag alam mong ikaw ang nagkamali. Kasi sa bawat pag-gising mo laging bumubungad sayo ang salitang pagsisisi.

Ang hirap palang umasa na babalik pa sya. Lalo pa't alam mong imposible na.

Mahirap palang magpanggap na maayos ka, kasi ramdam na ramdam mo sa loob mo na wasak na wasak ka na.

Ang sakit isipin na hanggang dito nalang talaga tayo. Kasi kahit anong gawin ko, hindi na mababago ang salitang wala ng tayo.

Mahirap. Kasi alam mo sa sarili mo na wala ka ng magagawa.

Mahirap. Kasi hindi ko pa rin matanggap.

Ang hirap. Kasi sa bawat pagpikit ng aking mga mata, ikaw at ikaw lang ang aking naaalala.

Mga alaalang kapag pumapasok sa aking isipan, tumatagos hanggang sa puso ko dahan dahan.

Hanggang sa wala na akong maramdaman.

At dun pa lang ako naliwanagan, nauubos na pala ako ng hindi ko namamalayan.

---
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

----
Thank you for reading! 💖 Please share this to your friends. Lovelots! 💗

- justmeladyinred

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon