Chapter 7

47 16 1
                                    

Aya's POV

Nagising ako dahil kinatok ako ng katulong namin at kakain na raw. Chineck ko ang oras and 8am pa lang. 9:30 start ng class kaya I still have time to prepare. Buti na lang din ay alam ng mga katulong at driver namin ang schedule ko. Naghilamos muna ako at nagtoothbrush bago bumaba.



"Good morning, gurl!" sabay beso sa akin ni Jearlyn pagkababa pa lang. Nagulat ako kasi hindi ko ineexpect na nandito siya ngayon. Hindi na ako nahiya sa kanya kahit hindi pa ako naliligo dahil ilang beses na niya akong nakikita na ganito.

"Good morning. Teka ang aga ha? Ano meron?" nagtataka akong tumingin sakanya. Tumawa lang siya at sinundan ako sa kusina.

"Gusto lang kita kumustahin. After what happened yesterday, I know something's wrong. And I know for sure that you need a friend right now." napatahimik ako sa sinabi niya at nagsmile naman siya sa akin.



I am really grateful because I have a really good friends. Hindi ko dapat sinasarili ito. They are my friends for a reason. Not for a display.

"I'm trying my best to be okay. Thank you because you're here. Brekkie muna us?" nagsmile ako sakanya at nagsimula na kami kumain.



Nakilala ko si Jearlyn dahil since 1st year ay magkaklase na kami. Nung bakasyon. lang kami naging close dahil late namin nalaman na magkaibigan pala ang parents namin dahil may company din sila. And siyempre dahil na rin gusto namin ang vibes ng isa't isa.



Naging close kaming tatlo nila Gale. Si Gale, kilala ko na since birth. Matalik din kasi na magkaibigan ang parents namin. Since college raw ay magkakaibigan na sila.





After namin kumain, nanood muna si Jearlyn sa kwarto ko habang ako ay nagpeprepare na for school. Hindi na rin naman ako gaano nagtagal dahil 30 minutes na lang, start na ng class.



Sabay kaming pumasok ni Jearlyn sa school. Kafacetime namin si Gale kaya hinintay niya na kami sa gate. Habang naglalakad kami, nakita namin sila Ice at Helsey na papunta na rin sa room.



"Magkasama nanaman sila" naiinis na sabi ni Jearlyn sabay irap. Tumingin naman sa akin si Gale dahil nag-aalala siya. Umakto na lang ako na parang wala akong nakita at dumiretso na sa paglalakad. Sumunod naman sila sa akin papunta ng room.



Nauna sila Ice sa room. Sa gitna na row sila umupo at magkatabi nanaman sila. I checked my phone to see if he replied or not. Ngayon ko lang kasi naalala na nagtext nga pala ako sakanya.

So when I opened my messages, I realized that I failed to send it to him pala. Sa sobrang antok ko, kay Gray ko nasend 'yung text. He replied a question mark 2hrs ago. Dumbass.



5minutes na ay wala pa rin si prof. Nagtataka kami kasi never naman siya nalate. Pagtingin namin sa pinto, meron na si prof pero may kinakausap siyang guy. Inalis ko na lang ang tingin ko sakanila because I'm not interested.



Sir Jericho, our prof, entered our class and introduced our new classmate. Transferee nanaman? And bakit laging sa block namin napupunta?



"Hello, I'm Gray. Nice to meet you all" gulat akong napatingin sa nagpakilala sa harap. What the fudge??? Wala man lang pasabi!



Umupo siya sa right side ko because no one's sitting there. Tinapik ko siya pagkaupo niya.

"Gray, seriously? You should've told us!" siguradong pati si Gale ay walang alam. Lumingon lang sa akin si Gray at tumawa. Hindi na niya nagawang magsalita dahil nagstart na si Sir Jericho sa pagdiscuss.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon