(1)

14 0 0
                                    

Nagising ako sa alarm clock ko at agad kong tinapon palabas ng bintana. Bwiset, natutulog pa yung tao nanggigising na. Sino ba nakaimbento ng punyaterang alarm clock?!

Agad akong bumangon at naglakad papuntang banyo at ginawa yung usual routines ko, pagkatapos nun, kumaripas na akong takbo papuntang kusina nung nakita ko yung oras. Shit, 10 minutes na lang late na ako. Kinuha ko yung cereal at gatas at nagsimula kumain.

Magisa lang pala ako dito sa bahay, wala akong nanay at tatay. Pero baka buhay pa sila kasi simula nung sampung taon palang ako umalis sila para magtrabaho sa ibang bansa. Nabuhay akong magisa, ngayong 17 na ako, medyo sanay na akong wala sila.

Wala akong contact sa kanila pero minsan pag gising ko ng umaga may perang nakalagay sa loob ng envelope akong nakikita sa ibabaw ng lamesa, marami rami din yun pero kahit ganun, nagpapart time parin ako, para sigurado.

Binilisan ko kumain at kinuha bag ko sa sala. Paglabas ko ng pinto sumigaw ako ng napakalakas.

"Good bye mahal kong bahay!" At tumakbo na ako papuntang school.Malapit lang naman university ko dito, mga five minutes lang. Malapit sa akong makarating sa school ng biglang dumilim.

"Nakng sampung pucha, BROWN OUT?!" Sigaw ko. Biglang may humawak sa beywang ko at kinarga ako. Hala?! Anong nangyayari?!

"Hoy sino ka?! Bakit mo ako binuhat?! Meralco ka ba ha?! Hoy, binayaran ko na yung bill ko sa bahay, nasa bahay ng pusa ko yung mga resibo! IBABA MO NA NGA AKO!!!" Sumipa sipa pa ako para mabitawan pero no use.

"HOY, SAGUTIN MO AKO KUNDI MAGKAKAROON NG GULO, KASAMA ANG MANOK, TALONG TAPOS KABAYO! KUNG AYAW MO MAKASAMA YUN PWES BITAWAN MO AKO! PUNYETA!"

"Shut up, will you?!" Irritadong sumigaw sakin yung stranger. Aba, englishero ang moko na 'to, akala ko ba ang mga taga meralco mga pilipino? Bakit parang may accent 'to?

Wala na akong magawa, nanahimik na lang ako at naghintay na ibaba ako.

Naramadaman ko na parang sinakay ako sa sasakyan. ANO 'TO?! KIKIDNAPPIN NIYA AKO?

"Oh, you got her" wow may isa pang englishero. Wow naman, englishero mga nangkidnap sakin.Bravo.

"NASAAN AKO?! BAKIT DI NIYO AK-- " Wala na di na ako mkapagsalita, bwiset tinakpan bunganga ko. Pero syempre, di ako nagpatalo. Ano ako? Lukaret? Nakikipaglaban kaya ako.

Agad akong tumayo pero nauntog ako, Yan ang gago mo kasi Louise. Ginalaw ko kamay ko pero isa rin na nakatali. Kaya ang ginawa ko, nag mistula akong uod, nung hindi gumana naging sirena naman ako. Wala, di parin ako nakakawala.

"Ugh, what the heck is she doing?!" Hilaw na tinapay no. 1 said.

"I dont know! Pin her down!" may isa pang hilaw na tinapay na nagsalita aba, apat na hilaw na tinapay ang nang kidnap sakin.

Yun nga, naramdaman kong hinawakan paa ko at kamay ko para ma-steady ako. Pero akala nila kakalma na ako?! No way! Mga hilaw na impakto.

Natanggal yung blindfold ko dahil sa kaka galaw ko at nakita ko mga mukha nila.

Nalalag panga ko. Wow,  ngayon lang akong nakakitang mga lalaking gwapo na taga meralco. Pero kahit anong kupas ng gwapo nila wala akong pake, ayokong murderin ng mga tinapay na ito, gusto ko pa mabuhay.

Agad kong inatake yung pinaka malapit sakin, sinipa ko ito ng malakas napahiga siya sa sahig ng van at agad linapitan ng isa sa kanila.

"Fck Emil?! Okay ka lang?!" Yun naman pala eh, kaya pala magtagalog. Zeus maryosep.

"Yah, medyo, shit. That girl.. she's strong" he groaned.

Kita mo nageenglish na din utak ko dahil sakanila.

Typically UnusualTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon