Prologue

92 11 2
                                    

The words, places, and names that are involve here in the story are only parts of my imagination. Expect grammatical errors and wrong spellings. If there are scenes that gives you familiarity with other scenes in other stories it's purely coincidental and I do not intend in copying any of them.

P.s. this story is revised, in-unpublish ko po ito last February 2019 kasi I wasn't really... satisfied? So imma start with a new. Enjoy!

Vyletious_11

--

Prologue

Who would have thought, having these ladies as my bestfriends would change my life? Hindi ko inakala na sa konting oras na nakilala ko ang mga babaeng ito ay may malaking impact pala sila sa buhay ko?

Just because of what happened to us. Naging matured ako. And years passed, like a blur hindi ko namalayan na ibang tao na ako. I've become a better version of me. A bitching Chloe was all gone. I don't know, cliché right?

Napaupo ako sa sofa dahil sa frustration. Buong araw ako nag tatrabaho dito sa office. Hindi ko maalala kung kelan ako nakapag relax. Geez.

"God, I'm so tired." Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang camera. Kinuhanan ko ng litrato ang office at ni-post sa Instagram. Rays of sunlight reflecting from the glass windows near my table, naka arrange ang aking laptop at nasa tapat nito ang picture frame. While nakasabit ang aking coat sa swivel chair.

I captioned ' it's time for an aesthetic photo after a tiring day at the office. '

Ilang minuto pa ay tumunog ang phone ko nilike nang mga friends ko ang photo. Some commented but I didn't bother replying to any of them. 

Napatingin ako sa table ko kung nasaan ang picture frame, tumayo ako at kinuha ito. It's a picture of me and my friends back at highschool. Graduation day ito, nakasuot kami ng maroon robes at nakangiti. Halatang masaya kami sa picture.

I smiled.

Umupo ako pabalik sa couch at tinitigan ulit ang picture.
I rested my chin on my palm while reminiscing the moments during my highschool days. Mga panahon kung kelan ko sila nakilala. Ang mga importanteng tao sa buhay ko.

"Cleo." Tinignan ko ang mukha niya sa picture. Naka akbay ito sa akin, nakangiti.

Kamusta ka na?

Nawala ang ngiti sa mga labi ko ng maalala ko ang nangyari 3 years ago.
I bit my lip. Pumikit ako at pinilit na umiwas sa memoryang 'yon. It was a bad memory of me and my friends. Ilang taon ko rin pinilit ang sarili ko na kalimutan na lamang 'yon, ngunit walang silbi.

I sighed.

Hindi naging madali ang pinagdaan ko sa tatlong taon na nakalipas. Nasa punto na ako ng aking buhay na parang gusto ko mawala na lang ako bigla at hindi na maalala pa ang nangyari. Pinahid ko ang takas na luha sa aking mga mata.

"Madame?"

Napalingon ako sa pinto ng office ko.

"Alistair? What are you doing here?" Umayos ako ng upo at ibinalik ang picture frame sa aking lamesa.

"Sorry Madame, may naiwan po akong file. Kukunin ko lang po. Di pa po kayo uuwi Madame?" Tanong niya at pumasok sa office ko, tumungo ito sa isang cabinet kung saan nakalagay ang mga files na pinapatago ko sa kaniya everytime na may bagong project ang company. Alistair is my secretary.

"O-oh, I was about to. Tinamad lang akong umuwi ngayon, walang tao sa bahay eh." I pursed my lips. Tumayo ako at inayos ang damit ko. Kinuha ko ang bag ko at coat along with my bag, lumabas ako sa office ko. Narinig ko naman na ni-close ni Alistair ang pinto ng office. Sumabay ito sa akin papuntang elevator.

That Girl (Girl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon