"Class dismissed."
Tumayo ako at lumabas na pagkatapos sabihin ni Miss 'yon. Naiirita ako sa mga kaklase ko dahil sobrang ingay nila.
Dumeretso ako sa canteen at umupo sa isang lamesa na malayo sa pinto. Dito ako palaging naka puwesto sa tuwing sasapit ang break time. Kahit 30 minutes lang ang break dito pa rin ako tumatambay.
Kinuha ko ang biscuit na nasa loob ng aking bag, kinuha ko rin ang sketch book ko at nag simulang mag sulat.
Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit gustong gusto ko dito sa canteen. May mga ideya na ibinibigay ang paligid kaya may naiguguhit ako. Hindi naman masyadong maingay dahil may mga nakabantay na student council sa paligid.
"Beb!" Umupo si Emily sa harap ko. Hindi ko ito pinansin at nag patuloy sa pag sulat. Ganito nangyayari araw-araw, during break time susulpot na lang bigla si Emily mula sa kung saan at dadaldal ito sa harap ko. Matagal ko na siyang kaibigan kaya nasanay na rin ako.
"Guess what?" Nakangiti nitong tanong. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.
"What?"
"C'mon, if a person says 'guess what' he or she wants you to guess. So guess." She said giddily. Napailing ako.
"I'm not into your guessing games today Ems. Spill it." Binaba ko ang lapis ko at sinandal ang sarili sa upuan. She rolled her eyes in amusement.
"Fine. Six said hi to me kanina! I think he likes me." Napailing ako ulit at kinuha ang lapis ko. Kinuha ko na rin ang ibang gamit ko, ang kalat na pala.
"Si Juliet asan?" Tanong ko sabay bura sa aking papel.
"On the way na siya. Kasama yung iba." Patuloy pa rin sa pag daldal ang kaibigan ko nang biglang may kumalabit sa akin.
"Have you eaten? Biskwit na naman ba?" Nakataas ang kilay ni Kuya habang nakatingin sa akin. Pinatong niya ang isang clubhouse sandwich sa lamesa at umalis. Napabuntong hininga ako. Every break time, sinasakto ni Kuya na dito dumaan para lang bigyan ako ng sandwich. Alas dyes pa lang naman at alas dose pa ang klase niya pero maaga siyang pumupunta sa school dahil sa mga friends niya.
Nasa kolehiyo na ang Kuya ko at sa kabilang campus ang building nila. While me, I'm in third year highschool.
"Ang gwapo talaga ng Kuya mo ano? Single ba 'yon?" Kinuha ni Juliet ang sandwich at binuksan. Napanguso ako.
"Malamang. Magagalit nanay nila pag may girlfriend 'yon. Alam mo naman si tita." Nandito na pala ang iba. Hindi ko namalayan na malapit na mag time kaya mabilis akong tumayo at kinuha ang bag ko para umalis. Alas dyes kinse ang sunod na klase ko, napatingin ako sa relos ko at napamura.
"Sorry girls, I need to go. Late na ako." Nag lakad na ako palabas nang canteen. Narinig ko pa ang tawag sa akin ni Lorie at Emily pero hindi ko na iyon nabigyan ng pansin.
Paakyat na sana ako nang hagdan nang muntik na ako matalisod.
"Shoot."
"Late again Miss?" Nakaharang na naman ang lalaking ito sa aking harapan.
"Pwede ba? Stop pestering me. Late na nga ako haharang ka pa." Tinulak ko nang mahina ang dibdib niya at tumakbo palayo.
"Woah chill---"
Hindi ko na inabala ang sarili ko na lingunin ang lalaking palaging nakaharang sa daan ko sa tuwing aakyat ako sa hagdan ng ganitong oras. Hindi ko nga alam ang pangalan niya pero parang feeling close naman ata siya.
Ganito ba talaga ang mga tao pag walang magawa? Dapat ba nilang pakealaman ang ibang tao para mawala ang boredom nila sa katawan?
"Tony, ano ba ang ginagawa mo diyan? May klase pa tayo--"