"Kumain ka na."
Napahikab ako at inayos ang magulo kong buhok. Nasa dining area kami ngayon ni Kuya at kakain na nang breakfast. Ayoko sana pero pinilit niya ako. It's only six in the morning for crying out loud. Inaantok pa ako, alas otso pa ang klase ko.
"Kuya, can I invite my friends over?" Tanong ko habang kumukuha ng bacon at kanin.
"Sure, what time?" Tanong niya sabay inom sa kaniyang baso na may orange juice.
"I don't know. Three? It's a sleep over by the way." Tumango ito at nag patuloy sa pag kain. Ganon din ang ginawa ko kaya ilang minuto pa ay naubos ko na ang pagkain ko.
"That's better. Dapat pala araw-araw kitang ginigising ng ganito kaaga para makapag-breakfast ka naman." Ngumunguya nitong saad. Hindi ko na lang siya pinansin, sumandal ako sa upuan ko at uminom ng juice.
Hinihintay ko si Kuya na matapos sa pag kain para sabay ko nang huhugasan ang plato. Ganito kami sa tuwing kakain na, dapat mag antayan para hindi bastos. Wow, manners.
Nang matapos na, niligpit ko na ang kalat sa lamesa. Tinulungan naman ako ni Kuya.
"Kuya ilang taon ka na nga?" Tanong ko habang pinupunasan ang kamay ko. Katatapos ko lang maghugas at si Kuya naman may ginagawa sa kaniyang phone.
"Twenty one. Why?" Sagot nito. Hindi ako nito tinapunan nang tingin kaya tumahimik na lamang ako.
I have this small crush on my Kuya. Ever since we were kids, nandiyan sa palagi para ipagtanggol ako pag may nang bu-bully sa akin, if may mga babae na gustong gusto ang Kuya ko sa akin muna sila lumalapit para hingin ang permiso ko. Pero hindi sila pumapasa. I'm fond of him and ganoon din siya sa akin. He's my Kuya after all.
Ano kaya ang feeling na maging adult? Would it be painful? May freedom ba? No restrictions? Siguro ikaw na ang responsable sa sarili mo, yung wala kang sisisihin sa mga gagawin at ginagawa mo kundi sarili mo. Scary.
Kaya ayoko tumanda. Seventeen now, seventeen forever.
But yeah, I know it's impossible.
"Akyat lang po ako." Mabilis akong pumanhik sa kwarto ko para ayusin ang mga gamit ko pati ang kwarto. Friday ngayon kaya half day lang ang klase. Tuwing sasapit ang biyernes may meeting ang mga teachers sa school. Pero bawal umabsent kasi nire-record pa rin nila ang attendance.
Umupo ako sa kama at tinali ang magulong buhok ko. Mag papagupit siguro ako pag summer na, mainit na eh.
"Ano kayang magandang movie later?" Kukunin ko na sana ang mga DVD's sa ilalim ng kama nang biglang mag beep ang phone ko sa desk. Bumuntong hininga ako at kinuha iyon. Nakita ko naman na puro messages ng mga friends ko ang nasa screen. Inis-swipe ko iyon at hindi na pinansin, magkikita rin naman kami mamaya.
Ibababa ko na sana ang phone ko pero nag beep ulit ito.
Anthony:
Good morning : )
I rolled my eyes. Hindi na ako nag abala pa na buksan ang message niya. Hindi dahil nag reply ako sa kaniya kagabi eh close na kami ngayon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nag me-message ito sa akin.
Napatingin ako sa orasan at kinuha na ang towel ko. Maliligo na muna ako para makapag-ready na for school. Since it's Friday, hindi na muna ako mag u-uniform. Pumasok ako sa walk-in closet ko at kinuha ang black leather boots, isang black long sleeve turtleneck at black and white striped tube dress na above the knee. Mag pa-party ako? Well, not really. I just love dressing up for fridays.