CHAPTER 1- The Kiss

164 3 0
                                    

Purple's POV

"Azure, Mint, Ruby, Una na kayo. Dadaan muna ako ulit sa library" Inayos ko ang mga gamit ko at isa isang ipinasok sa bag ko. Nang matapos ako ay kinawayan ko ulit sila.

"Geh Ingat ka!"

"Byebyeeee! Chat tayo maya ah"

"Bye Purple-best!"

Ngumiti ako sa kanila at yumuko saka ako nagsimula nang mag lakad patungong library

Habang naglalakad ako ay chineck ko yung laman ng bag ko. Baka kase may naiwan akong gamit nang biglang--

*Togsh*

"My ghad miss. Tignan mo nga ang dinadaanan mo!"

Nahulog ang ibang mga gamit ko kaya dali dali kong kinuha ang mga ito.

"Sorry, Sorry..." Pag hingi ko nang tawad dito habang pinupulot parin ang mga nagkalat kong gamit.

"Wow. Ganyan na pala ang manghingi ng tawad ngayon? Hindi man lang tumitingin sa taong hiningian ng tawad. Tsk" Sabi naman ng isang babae.

Hula ko hindi ito yung babaeng nagsalita kanina dahil iba yung boses neto. Hindi ko nalang ito pinansin.

"My Sexybabes, wag nyo na nga pansinin yan. Di yan worth it sa attention nyong mga magaganda at sexy. Let's go."

Nang matapos ko nang mapasok ulit ang mga nahulog kong gami ay kunot noo kong tiningala ang lalaking nagsalita.

Tsh.

Si Luke pala.

Ang napaka babaerong sikat dito sa paaralan namin at isa sa mga kaibigan ni Eugene-- ang lalaking crush na crush ko (^///^)

Palihim naman akong napa irap at napa buga ng hangin.

Ba't pa kinaibigan ito ni Eugene. Ang layo layo ng ugali nila. Sana hindi magaya sa kanya si Eugene. Bad Influence!

Naka sabit sa isang braso nya ang isang babae habang yung isang babae naman ay hawak hawak nya sa bewang. Si Luke naman ay tuwang tuwa at naka kagat-labing malagkit na nakatitig dun sa isang babae.

Pulang pula naman yung babaeng tinititigan nito at halos mapunit na yung labi sa pagngiti. Yung ngiting pa-cute.

Parang tuta. Ang laswa tignan.

Tumayo na ako. Maka alis na nga.

Nilampasan ko na sila at nag tuloy nang maglakad hanggang sa narating ko na ang librarya.

Pag pasok ko ay nakita ko si Isaac dun na tahimik na seryosong nagbabasa. Ang ka batch kong napaka talino na laging nakatambay sa librarya.

Dito sya palaging nagtatambayan pagkatapos ng klase kaya sa tuwing pupunta ako dito ay maaabutan ko na sya ditong nagbabasa.

"Hi"

Nang makita nya ako ay agad itong umayos ng upo at ngumiti.

"Hi" Bati nito pabalik.

Nginitian ko rin ito at saka tahimik na naupo sa madalas kong inuupuan.

Sa harap ng table ni Isaac. At itong lugar din na madalas naming inuupuan ay nasa gilid na bahagi kaya walang istorbo sa bandang ito.

That One Sweet KissWhere stories live. Discover now