CHAPTER 2- The BodySwap

79 3 0
                                    


---The next day---

Bumangon ako mula sa pagkahiga at humikab habang inunat-unat yung dalawang braso ko.

Mmmm ganda ng tulog ko. Haaaaay antok pa ako. Ang sarap pa bumalik ulit sa pag tulog. Ang ganda ganda nung panaginip ko eh.

Na kita ko daw yung lalaking aksidenteng naka kuha ng first kiss ko at napa kulong ko ito. Kinasuhan ko ng Magnanakaw ng halik. Kahit aksidente lang naman ang pangyayaring iyon.

At isa pa, ang isa sa dahilan din ay ang pangit pala nung lalaking unang naka kuha ng first kiss ko! Hindi ko matanggap! Kaya walang pag alin langan ko iyong ipinakulong agad!

Tamad akong umupo sa kama habang naka pikit pa din. Nakaka antok parin talaga.

Pero teka--- ba't hindi man lang tumunog yung alarm clock ko? Anong oras na ba?

Nakapikit pa yung isang mata kong tinignan ko ang oras sa side table ko. Haaay gusto ko pang matulog ulit.

9am? Ahhh 9am pa pala... makatulog nga muna---

T-TEKA, 9AM??!!!!

Dali dali akong bumangon at natatarantang nagsuot ng tsinelas papuntang bathroom.

Bakit kase hindi tumunog yung alarm clock ko!

Patay talaga ako neto. Late na late na ako. 7am yung first class ko at may quiz pa naman naman kami sa subject na yun ngayon!

Hindi pwede! A-Ayokong bumagsak! 

Nako poooo dalawang klase na ang na-miss ko!

Nagmamadali akong naglakad papunta sa pintuan ng banyo.

Sana may himalang mangyare at hindi natuloy yung quiz namin kanina!

Please please sana lang talaga...

Hindi ako pwedeng bumagsak. Hinding hindi.

Pinihit ko na yung hawakan ng pinto nang bigla akong natigilan. 

Teka, kailan pa naging kulay itim yung pintuan ng bathroom ko? Pinalitan ba ito ng pintura? Bakit hindi ko man lang alam?

Unti unti akong napatingala at napatingin sa kaliwa't kanan ko.

Ba-Bakit iba na ang pintura ng kwarto ko?

Lumingaon sa palagid at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. 

O.O

"Aaahhhhhhhhh!!!" 

Napasandal ako sa pintuan ng banyo at napa hawak sa dibdib.

N-Nasan ako? 

Kaninong kwarto 'to?

Bakit ako nandito? 

Anong nangyare??

Bakit dito ako nagising? 

Asan ang kwarto ko???

Ba't hindi ko man lang ito napansin kanina????

Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid. Kulay Itim at asul ang kulay ng kwarto. Tapos... napaka gulo! Wala sa tamang lalagyan ang mga gamit. At higit sa lahat...

Amoy LALAKE!!!

Napa upo ako sa sahig dahil sa panghihina ng tuhod ko.

Paanong... paanong napunta ako dito?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That One Sweet KissWhere stories live. Discover now