1st Star

3 0 0
                                    

"Hoy! Tulala ka na naman diyan kuya," nagulat ako sa paghampas ng kapatid ko.

"Aray, bakit mo naman ako hinampas ng sandok?" pagtatanong ko sakanya.

"Kasi naman kuya, you've been absent-mindedly staring at the wall for 5 minutes already," sagot naman nito.

Limang minuto na rin pala akong wala sa sarili.

Hindi kasi mawala sa isip ko ang panaginip ko kagabi.

Nanaginip ako na may yumakap daw sa akin na taong hindi ko kilala.

"I'm sorry, may iniisip lang ako."

"Sige kuya palalampasin ko ito pero dalian mo na diyan kasi baka mahuli tayo at di ko makita yung transferee sa school natin," aniya habang nagmamadaling kumain.

"Dahan-dahan lang baka mabilaukan ka," pagpapaalala ko rito.

"Kuya, balita ko nasa Senior High na rin yung transferee na yun. Baka maging kaklase mo siya. Balitaan mo ako agad ah. Hihihi."

Humagikhik ang kapatid ko habang nakapikit.

Hindi na nagbago ang kapatid ko. Lagi siyang nasasabik pagdating sa mga lalake. Iniisip ko nga kung may panahon pa siya mag-aral kasi lagi nalang siyang nakaharap sa laptop.

Lagi niyang pinapanood 'yang mga tinatawag niyang 'Oppa' at mga karakter sa anime na pinaglalawayan niya.

Nang matapos kami kumain ay pumunta na rin kami sa eskwelahan.

Inihatid na kami ni Manong Bong.

Tahimik lang ako sa sasakyan habang nakatingin sa bintana. Bigla ko nalang naisip si Nina.

"I'm sorry Iel, but I need to do this. It's for my future and I'm really sorry if I decided this for myself and not for us."

Mga huling salita ni Nina bago niya ako iwan para sa pangarap niya. Maiintindihan ko sana siya pero pinili niyang itago ang balak niyang pag-alis.

Maiintindihan ko sana pero pinili niyang magsinungaling. Akala ko sapat na ang dalawang taon para maging totoo siya sa akin pero hindi. Pinili niya pa rin maglihim.

Hindi ko napansin na pumatak na pala ang luha ko.

"Luh, si Kuya nag-sesenti. I know na si Ate Nina na naman yan." aniya

Hindi ko nalang siya pinansin at pinagmasdan na lamang ang mga nadadaanan naming bahay.

Ilang taon na rin palang nakalipas. We lived in the province during my childhood dahil kay Papa kami tumira ng ilang taon.

Ngayon ay nasa Maynila na kami at nasa bahay na ni Mama.

She didn't remarry because of us and she's very happy to welcome us in our house. Ilang buwan na rin at nakapag-adjust na rin kami sa bago naming buhay.

*************

Dumating kami sa university just on time at napansin naming may nagkukumpulan sa faculty room ng senior high school.

"Ang gwapo niya bes!" sigaw ng isang babae.

"Bes, isusuko ko sakanya ang aking Bataan" pagsang-ayon ng isa pa nilang kasama.

Hinawakan ko ang kamay ni Eyee dahil balak niyang maki-usyoso.

"Kuya! Let me go. Minsan lang naman 'to eh." pagpupumilit niya.

"Sige, pero akin na ang credit card mo." sabay paglalahad ng palad ko.

Di na nagpumilit pa si Eyee at naglakad nalang kami patungo sa kanya-kanya naming rooms.

Napansin ko ang pagtili ng mga babae at nakita ko siya.

Natulala si Eyee habang nakanganga.

"Kuya, ang gwapo!" Sigaw niya.

Nakatingin siya sa direksyon namin ni Eyee at napatitig rin ako nang bigla siyang ngumiti.

Wala akong naramdaman pero kakaiba ang kanyang mga titig.

Umiwas na ako ng tingin at iniwan si Eyee na tulala.

Nagkasabay kami ng transferee sa paglalakad and he broke the silence.

"Transferee ka din ba?" tanong niya.

"Nope." maikli kong sagot.

"Anong room nga ulit tayo?" pagtatanong niya ulit.

"201 East Building" bored kong sagot.

Naglakad lang kami at nang maabot na namin ang room biglang may yumakap sa akin.

"Ieeeeel!" malakas na sigaw ni Hub

"Hinaan mo nga boses mo." inis kong sabi.

"NAMISS KASI KITA! BAWAL BA?" sabay pout ng gago.

"Hindi kita namiss kaya lumayo ka." at nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Iel! Hoy! Pinagpalit mo na ako sa transferee ah!" pasigaw niyang sabi.

Babatuhin ko na sana siya ng hawak kong libro pero pinigilan ako ng transferee.

"Pabayaan mo na." aniya

Inunahan ko na ng lakad ang transferee sabay bukas ng pintuan.

Umupo ako sa pinakalikod at sabay namang pumasok ang dalawa. Hindi na ako nagsalita at natulog nalang.

"Uy Iel! Pansinin mo naman ako," sabay tapik sa likod ko.

"Ugh"

"Iel naman! May dala akong chocolate." panunuhol niya.

Wala na akong narinig dahil nakatulog na ako. Ang tanging salita na narinig ko ay,

"Iel"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If The Stars FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon