PROLUGUE

4 0 0
                                    


Madaling sabihin, ngunit mahirap gawin o paano ipakita sa taong mahal mo siya. Bakit ganon? Nasasaktan nalang ako palagi. Kailangan ba talaga kapag nagmahal ka, nasasaktan? Kasama ba talaga sa units yun ng pagmamahal? Hindi ba pwedeng, puro saya nalang at wala ng sakit? Ayoko na. Umaasa na naman ako sa mga bagay na walang kasiguruduhan.

Tumataya na naman ako sa bagay na magdudulot ng sakit sa akin. Kailangan ko na, kailangan ko na talagang magising sa katotohanan, kakambal ng saya ang sakit. Kada magiging masaya ang isang tao, kailangan niya maging handa sa sakit na darating sa buhay niya.

Hindi na ako, maniniwala sa mga salita ibibigay mo sa akin. Kailangan ko naman, mahalin ang sarili ko. Ayun kasi ang nakalimutan ko, simulang tumaya ako sayo. My love for you will always be the same but I need to grow, I need to find myself that was lost in the middle of nowhere. I'm sorry, but I need to do this, for me...for us. "Je t'aime mon amour, my darling. "

Ako si Artemis Mackenzie, at ito ang storya ng buhay ko. Hindi naman ako espesyal na babae pero bakit itong kabanata ay napasok sa libro ng buhay ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon