JOSH
"Josh! Huy ano ba Josh!" Sigaw ng babae na panay habol ng bahol sakin. Nakakainis na nga eh buntot ng buntot itong babaetang to' kasi naman mga bessu para kasi akong may alagang aso na panay sunod ng sunod sa'kin.
"Ano bang problema mo bruha?" Sagot ko ng tumigil ako sa paglalakad. Dun ako tumigil sa tapat ng classroom ng jowa kong si Cristoper. Lumingon ako sa kanya sabay pinitik ang noo nito.
"Aray naman! Ang sakit nun ah!" Sigaw niya habang hinahawakan niya ang ngayong namumulang noo niya dahil sa pagkakapitik ko. "Hoy, ikaw bruha ka, tigil-tigilan mo na nga ang pagsunod sakin! Nakakasira ka ng araw ko eh. Hay naku, baka pumangit na itong fes ko inday."
"Wow ah!" Tawang-tawa niyang sabi. "Kaya excuse me bruha at ako'y papasok na sa classroom ng SOON TO BE asawa kong si Cristoper~" tinulak ko siya palayo at pumasok na ako sa room. Pagkapasok na pagkapasok ko, nakita ko na si Cristoper at tila'y ba gusto ko ng yakapin siya. LANDI ko mga bessu~
"Hoy Josh! Sabay tayong umuwi mamaya!" Sabi niya sabay alis. Tinignan ko ng masama yung tv sabay baling ulit sa JOWA kong gwapito. Nakakainlove kasi mga bessu, hanep kasi ang kagwapuhan nitong lilalang na ito!
"Cristoper my labs, nagluto ako ng pagkain mo ngayon. Eto oh, kainin mo." Inabot ko sa kanya ang baon. Ngumiti naman ito sabay binuksan yung pagkain. "Wow! Ang sarap naman nito Josh. Para sa'kin ba talaga to'?" Napakamot siya sa batok niya habang tinitignan ang niluto kong pagkain. Exclusively for him lang, GANERN! Pero in fairness mga bes ang gwapo niya sa pagkamot niya ng batok niya! Nagpadug-dug tuloy itong heart-heart ko, AYIEEEE.
"Oo naman, Cristoper. Kanino ko pa ba ibibigay yan?" Sabi ko habang sinusuntok yung dibdib niya ng mahina. Tumawa naman siya ng kaunti tapos umupo siya sa upuan niya at kinain na yung niluto ko. Napangiti naman ako.
"Nga pala, Josh." Sabi niya habang sinisimulan ang pagkain niya. Kumuha naman ako ng upuan sa katabing bakante niya at hinila naman to sa harapan niya na inupuan ko naman. "Hmm? Ano yun my labs?" Tinitignan ko kung paano siya kumain. Ang hot sobra, nakakabeki na mga bes.
Tumigil siya sa pagkain at tinignan ako sa mata. Nagtaka naman ako bigla ng tumingin ito sakin pero in fairness gustong-gusto ko naman na tinititigan niya ako HEHEHE... "Ah...um.. kasi..." Paputol-putol niyang pananalita. Nagtataka na ako sa kung anong sabihin niya ng makita kong may kanin ang pisnge niya kaya't tumayo ako ng kaunti para kunin ito ngunit bago ko pa magawa to' pinigilan na niya ang kamay ko.
"Cristoper?" Pagtataka kong pagkasabi sa pangalan niya. "Di na dapat natin ito ipagpatuloy, Josh." Nanlaki ang mga mata ko. Parang alam ko na ang susunod na sasabihin niya pero ba't ganun parang kahit alam kong masasaktan ako mas pinili ko parin na tanungin siya?
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. "Alam mo na ang tinutukoy ko,Josh. Matalino ka at alam ko na kahit hindi ko na deretchuhan sabihin, alam ko naman sa sarili ko na alam mo na ang sasabihin ko." Tumayo siya at naglakad na palayo pero hinabol ko siya at hinablot ang kamay nito.
"Cristoper. Please wag." Sabi ko habang nararamdaman ko ng namumuo ang mga luha sa mata ko. "Cristoper...Please.. ako na nagmamakaawa..." at tuluyan na ng tumulo ang luha sa mata ko. Dahan-dahan naman niyang hinablot ako kamay niya sa pagkakahawak ko at hinarap ang mukha ko sa kanya.
"Josh. Alam naman natin na kahit kailan hinding-hindi tayo magsasama. Parehas tayong lalaki. Napakabait mong tao kaso hindi pwede. Hindi pwedeng magsama ang dalawang lalaki. Mahal kita, Josh pero hanggang kaibigan lang. I'm sorry... hiling ko sana makahanap ka ng taong mamahalin ka ng sobra-sobra kasi Josh... deserve mo." At tuluyan na nga akong iniwan ng lalaking minahal ko ng sobra-sobra pa sa sarili ko.
Naramdaman kong bumagsak ang katawan ko sa sahig kasabay ng pag-ulan ng malakas sa labas. Parang dinadamayan ako ng panahon ngayon dahil sumakto yung ulan sa pagbagsak. Tila'y walang katapusan ang pag-agos ng luha ko sa mga mata ko. Ang sakit sobra. Para kang pinapatay unti-unti.
Napahiga na lamang ako sa sahig at ipinagpatuloy ang pag-iyak. Feeling ko napaka-meaningless na ng buhay ko kung wala ang taong mahal ko na yung taong mahal ko ang mismong pinapatay ako ng unti-unti dahil siya ang buhay ko. Siya ang dahilan kaya't nabubuhay pa ako hanggang ngayon pero ang masakit heto at iniwan ka dahil sa kasarian ko.
Mas lumakas ang pag-iyak ko ng bigla akong makaramdam ng katawan sa likuran ko. Napalingon ako at yung babaeng panay sunod-sunod sakin ang babae palang nandyan sa tabi ko ngayon. Pinisil ko ang mga kamay nito st mas umiyak pa.
"Andito lang ako, Josh. Mahal na mahal kita kahit ganyan ka pa." Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko to'. Naramdaman kong tumibok ang puso ko. Kakaibang pakiramdam na hindi ko pa nararanasan sa iba. Gusto kong yakapin siya kaso mismong sarili kong katawan ang gumawa ng sariling galaw at itinulak ito.
"UMALIS KA SA TABI KO! DI KITA KAILANGAN!" nagulat ako sa mga nasabi ko. Mali... hindi ito ang gusto kong sabihin pero bakit ito yung lumabas? Bakit? "UMALIS KA NA! AYAW KITANG MAKITA!" Sigaw ko muli. Nanlaki ang mga mata niya at unti-unting umalis.

BINABASA MO ANG
Bakla's Love Life
Humor"I won't fall for Girls dahil BABAE ako." -Josh Evangelista. "I'll make you fall for me, Bakla." -Kathleen Garcia.