♥Chapter 3♥

27 0 0
                                    

Sabado ngayon. Fast forward na tayo. Hehe. Dahil walang pasok, naglagalag ako, charot.

Sabi ko paparefill ako ng kagandahan kaya nandito ako sa salon. Nagpamanicure, pedicure, tapos nagpafull bangs ako. Pag ako pumanget, kakalbuhin ko 'tong babaeng panget naggugupit saken. Charot lang na kakalbuhin ko siya, pero totoong panget siya. He-he.

"Ma'am ano pong kulay ilalagay natin sa kuko niyo?" tanong ng panget na nagpepedicure saken. May pango siyang ilong, buhaghag na buhok at singkit na panget na mga mata. Ang sarap pang hukayin nung mga pimples niya. Eewwww.

"Rainbow."  sagot ko. Nakita ko yan sa babaeng panget kanina, nagustohan ko lang. Gaya gaya yung babae 'no? Peste, inggitera 'yon.

"P-po?"  naguguluhang tanong nung babae.

"Bingi ka ba o tanga ka? Sabi ko rainbow gusto ko. H'wag mong sabihing hindi mo kaya 'yon?" naiiritang sabi ko. Bwiset, mahal mahal ng bayad ko dito eh.

"Kaya po Ma'am." sabi niya at nagsimula na sa pagcutics saken.

Kaya naman pala, daldal pa.

~~~~~

"Wow Queen Bri! New look!" sabi ni Jane. Magkakasama na kami ngayon. Sabi ko kasi magkita kita kami dito sa Hindi ko sila namimiss, naboboring lang ako. Kaya nandito kami sa isang kainan dito, treat ko na. Baka 'di nila kayanin bayarin dito eh. Charot. Mayayaman din naman ang mga yan kahet papano.

"Oh ano naiinggit ka?" bored na sagot ko at uminom ng manggo shake.

"Hoy hindi ah! Papacurl nga ko ng buhok mamaya."  sabi nito at todo makangiti. Hindi daw naiinggit pero magpapacurl mamaya, gagang 'to.

"Inggiterang 'to." sabi ni Steff. Hindi naman na sumagot pa si Jane.

Tahimik kaming naghihintay pa sa iba naming inorder nang bigla nanamang nagtilian yung kambal.

"Oh my ghad!! Is that Tim?!" sabi ni Eunice sabay hampas sa braso ni Eunica.

Narinig ko nanaman ang pangalan ni Tim kaya otomatikong napalingon ako kung saan nakatingin si Eunice. Bumilis tibok ng maganda kong puso dude. Hindi lubdublubdub, bloop bloop prrrttt prrrttt akin. Pitingini, realtalk, nararamdaman kong nagmimissed call na si Inang Kalikasan. In short, natatae na ko. Fvck. Kahit maganda, natatae rin.

"Oh my! He's hot! He's hot! My vagina is kinikilig!" sabi naman ni Eunica. Kadiri eh 'no? Kapag talaga conyo at medyo bastos, si Eunica na 'yon. Syete talaga, natatae na 'ko.

Bigla namang sumigaw si Eunice, "Tim!"  kaya hinanap ni Tim kung sino ang tumatawag sa kanya. Nasa labas naman kami ng resto nakapwesto kaya kita kami ng mga nadaan. Kumaway-kaway si Eunice at nakita naman 'yon ni Tim. Ewan ko pero bigla akong kinabahan nung maglakad siya papalapit sa table namin. Di ko alam kung maiihi ba ako sa kaba dahil nahihiya ako sa kanya nung nasigawan ko siya sa cafeteria o matatae ba ako. Baket ba ngayon pa nagloko ang maganda kong tiyan? Wrong timing naman oh.

Balik tayo kay Tim-ba. Joke. Korni. Letse. Tim bebe ko pala, hehe. Oh ano kokontra?! Tatanggalan ko ng vagina. Amff, nahawa ako sa vagina thingy ni Eunica.

Nakalapit na si Tim sa table namin. Ewan ko ba kung bakit ang awkward bigla. Shet, tae maghintay ka muna jan. Nakikiusap ako't nag mamakaawa. Utang na loob h'wag ka munang lalabas.

Balik na talaga tayo kay Tim bebe ko. Nakasuot ito ng polo shirt na red tapos nakaclosed neck ito.

"Hello Tim, I'm Steff." sabi ni Steff kay Tim nang makalapit ito sa table namin. At ang gaga, nagpacute pa. Sarap hilahin ng buhok nito, kaso baka sabihin ni Tim masyado akong selosa. Hihi.

The Brianna Laitera StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon