Dedicated to mylie019 and AmaneYuki
Dahil sila ang unang unang nagcomment sa story ko. Thanks to the both of you!
-----
"Shit! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?! Nabangga mo tuloy ako! Natapunan tuloy yung uniform ko!!" galit na galit na sigaw netong panget na 'to, natapunan kasi siya nung hot chocolate na binili ko dahil hindi pa 'ko nag aalmusal dahil male-late na 'ko. First day na first day pa naman ng school year, pinangngingitngit ng panget na 'to ang maganda kong ulo.
"Eh alam mo palang mababangga kita, ba't 'di ka umilag? Next time 'pag nakita mo akong dadaan, umurong kang panget ka ha?! Sa'kin ang eskwelahang tinatapakan mo, kayang-kaya kitang ipa-kick out dito kung gugustuhin ko! Lalo na't panget ka." sabi ko at nilampasan siya. Tss, 'di ko lubos maisip na pinag-aksayahan ko ng oras ang panget na 'yon. Bwiset! Ke arte, ke panget naman! Tadtad nga ng pimples eh, pinatungan lang ng makapal na foundation. Alam ko first day ngayon hindi foundation day. Buti nalang maganda ako.
Tama Brianna, maganda ka kaya kalma.
Pagkadating ko sa room ay agad akong sinalubong ng mga kaibigan ko, maganda sila--err, pero pinaka ako. Kuha niyo? Ge.
Akmang yayakapin nila akong apat pero pinigilan ko, "H'wag niyo ko mayakap-yakap pwede? Kainis."
Napanguso naman si Steff, "Namiss ka lang naman namin Queen Bri." 'yan ang tawag nila sa'kin, reyna kasi ako... ng kagandahan.
"Oo na alam kong namiss niyo maganda kong mukha." walang kalutay-lutay kong sagot.
"Ang hangin mo Queen! Woooo tinatangay ako!!" sabi naman ni Jane at umaktong tinatangay ng hangin.
"Tinangay ka lang? Ba't 'di ka pa nilunod? Tss." pabalang kong sagot. Nag sorry naman ito sa'kin. 'Di naman papalag sa'kin 'yang mga 'yan. Mahal daw kasi nila ako, pwe. Drama pre.
"By the way, may nakaaway ka daw ah?/Magkwento ka bilis!" magkasabay na sabi ni Eunice at Eunica. Kambal 'yan, 'wag kayong tanga. Kahit sabay pa silang nagsalita ay naintindihan ko 'yon, ganyan talaga 'pag maganda.
"Atat sa chika? Mamaya na, tinatamad pa 'ko magkwento." sabi ko at tumungo sa desk. Kainis lang, puyat na nga 'ko kagabi tapos panget pa bumungad sa'kin kanina. Lakas pa ng loob sagot-sagutin ako. Malamang bagong estupidyante 'yon dito sa school ko, este sa school ng parents ko. Dami pang arte, sa'kin din naman 'to mapupunta.
***
Pag mulat ko ng mata ay saka ko lang napagtantong nakatulog pala ako. Malamang aba, alangan namang tumae ako ng nakapikit? Gamit-gamit din ng brain 'pag may time. Tss, korni niyo.
Pangalawang subject na pala. Bakit ko alam? May naimbeto kasing schedule, alam niyo 'yon? 'Di ko lang kilala sino nag-imbento. He-he. Baka si J.j Thomson? O si Thomas Edison? O baka si Juan Dela Cruz? 'Yun oh! Tae, korni niyo talaga. He-he.
"Kamusta ang tulog Miss Alverno?" tanong nag teacher kong mataba, maliit at mala dora ang buhok, panget niya! Pwe. Teacher ko din 'to last year ah? Putek, kras ako ne'to kaya siya teacher ko. Eeeww, dejoke. Sistermance? Korni niyo talaga. Last na 'yan.
"Ayos naman kaso nakita kita pagmulat ko ng maganda kong mata. Panira ka ng tulog." sabi ko at nag-inat. Bad girl ba dating ko? Ganyan talaga 'pag maganda.
"Aba't ang bas--"
"Pwede ba magturo ka nalang? O paaalisin kita sa eskwelahan ko?" pananakot ko kaya't naturo na ulit siya. Nakakaasar talaga. Sarap sarap ng tulog ko, pupunain niya pa. Bwiset dre.
Hindi ko na naituloy ang naudlot kong pagtulog.
Pagtapos ay direcho agad kami canteen. Dadaldal naman netong mga kasama ko, pushet.
"Queen Bri! Kwento na, bilis!" sabi ni Eunice.
"Inuutusan mo ba 'ko?!" inis na sabi ko. Lintek, 'bilis' daw eh, edi inuutasn ako. Wala pa naman ako sa mood makipagkwentuhan sa mga panget na 'to.
"Hindi naman Queen. But please.. can you make chika it to us na?" sabi ni Steff at nagpa-cute. Ganon din ang ginawa nung tatlo kaya no choice ang kagandahan ko kundi magkwento sa mga panget na 'to. Sa totoo lang kahit maikli lang yung kwento ko, nangalay agad ang maganda kong panga, naubusan ako ng maganda at mabangong laway dude. Nainis naman sila sa babaeng panget na bumangga saken kanina, tss kahit ako eh.
"Oh ano masaya na? Kinuwento ko na ha?!" sabi ko at umalis na. 'Di na muna ako papasok sa next class, papasa pa rin naman ako kahit hindi ako pumasok eh.
Bago pa ako makalabas ng cafeteria ay sumigaw si Jane, "Kami na bahala sa panget na 'yon Queen Bri!" tinutukoy nito ay 'yung panget na natapunan ng mahal na hot chocolate ko kanina. Paniguradong this week, kusa ng magpapadrop-out ang panget na 'yon, basta't grupo ko ang gagawa ng kagagahan sa kanya, malilintekan siya.
Direcho ako sa clinic. Wala namang katao-tao dahil break time nga. Nahiga muna ako sa isa sa mga kama 'don. Puyat kasi ako dre, paulit-ulit? 'Di kasi maalis sa isip ko kung baket napakaganda ko. Gg! Galunggong.
Paikot-ikot ako sa hinihigaan ko. Ewan, basta, 'di ako komportable.'Yung antok ko kanina parang nawala.
Pinikit ko ang mga mata ko, baka sakaling makatulog ako kaso bigla akong nakarinig ng boses na kumakanta.
It's her hair and her eyes today
That just simply take me away
And the feeling that I'm falling further in love
Makes me shiver but in a good way
'Di ko alam kung nasobrahan ba ako sa kagandahan kaya't napapikit ako habang kumakanta siya. Masasabi ko lang na maganda ang boses niya pero mas maganda pa din ako.
Lalaking lalaki ang boses niya.
Gahd, ibig sabihin hindi ako nag-iisa dito sa clinic?
All the time I had sat and stared
As she thoughtfully thumbs through her hair
And she purses her lips, bats her eyes and she plays
With me sitting there slack-jawed and nothing to say..
Pakiramdam ko ay nasa katabing kama ko lang din siya. Sa clinic kase magkakatabi ang mga kama pero may harang na tela. Nagegets niyo ba? Papanget niyo.
Hindi ko talaga alam kung nasobrahan talaga ako sa kagandahan kaya't napasabay ako sa kanta.
Coz I love her with all that I am
And my voice shakes along with my hands
Coz she's all that I see and she's all that I need
And I'm out of my league once again.
Ang ganda (ko) ng blending ng boses namin, swear. Dahil nga sa sobrang pagkafeel na feel ko sa kanta eh napaupo na ako sa kama at napapapikit pa.
Nagulat nalang ako nung biglang may humawi nung kurtina at napatingin ako sa humawi 'non.
Spell jaw drop please?!?!?!?!?!?!?!
Okay, OA na sa "!" at "?".
Ngayon, hindi lang pala boses namin ang bagay. Pati pala kaming dalawa. Pogi siya...... maganda ako! Match kami, diba?
-----
Vote, recommend, comment. ♥ thanks
BINABASA MO ANG
The Brianna Laitera Story
Novela JuvenilIsang babaeng laitera. Pakiramdam niya ay lahat sa kanya ay maganda at tama, pakiramdam niya perpekto siya, pakiramdam niya siya na na ang pinakamagandang nilikha ng Diyos. Magbabago pa kaya siya? O mananatili siya sa pagiging laitera?