[karren's POV]
nandito kami ngayon sa bahay ni papa...
kung saan nakatira ang unang pamilya...
ngayon ipapaalam ang laman ng huling habilin ni papa...at sa unang pagkakataon ngayon lang kami maghaharap ng kapatid ko...isa rin syang babae...
"hi ate!!!"
madaldal sya...at pinaka ayoko sa maingay.
[clarissa'sPOV]
hindi nya ako pinansin...mabait naman ako sa kanya. bakit kaya?
[karren's POV]
ano bang tinitingin tingin ng batang 'to...
lumabas ako saglit dahil naiipit ako sa mga pangyayari...kamamatay pa lang ni papa at ngayon lang kami maghaharap na dalawang pamilya...
"hi ate...ako si clarissa."
aba at sinundan pala ako ng batang 'to.hindi ko na lang sya pinansin...
"hoy..ate!"
"pwede ba? wag mo akong hawakan!" hinawakan nya ako sa kamay at naitulak ko sya
"clarissa!" may sumigaw sa gawi roon, isang lalaki...nakita nya kung paano ko itinulak ang batang 'to
"anong ginagawa mo sa kanya?"
hindi ko sya pinansin at bumalik na lang ako sa loob
[clarissa'sPOV]
"ayos ka lang ba?"
"oo,ayos lang ako." tinulungan ako ni topher na tumayo
"sino ba yun?"
"ah...sya ang ate ko, si karren."
"dito na ba sya titira?"
"hindi ko pa alam eh, pero sana dito nasya tumira."
lumapit sa amin si mama
"clarissa, halikana pumasok ka na."
yaya sa akin ni mama
"sige po...susunod na lang po ako."pagkaalis ni mama
"ahmn...topher papasok na ako."
"sige."
[topher'sPOV]
parang nakita ko na sya...
[flashback]
hinahabol sya ng 3 lalaki nung nakita ko sya...
"bumalik ka dito...bumalik ka!"
takbo lang sya ng takbo at hundi sya lumilingon
hanggang sa nacorner sya sa isang eskenita...
"wala ka ng tatakbuhan...tapos ka an ngayon."
"hindi ako sumusuko...mamamatay muna ako bago nyo ako mapasuko."
"pwes magdasal ka na."
kinuha nya ang bote na nasa ibabaw ng drum sa tabi nya at binasag nya ito...lalapit na ang mga lalaki...at papalibutan na sya
"sige lumapit kayo."
lumapit ako at tinulungan ko sya...napabagsak namin ang mga lalaki ngunit hindi man lang sya tumingin sa akin at nagpasalamat...
lumakad lang sya palayo na parang hindi ako nakikita. nahulog nya ang panyo nya at pinulot ko ito
"miss ang panyo mo."
tinawag ko sya para sa panyo nya ngunit muli ay hindi sya lumingon...hindi na ako nagkaron pa ng lakas ng loob para habulin sya, at lumakad na ako palayo sa kanya.
[end of flashback]
[karren'sPOV]
wala akong pakialam sa mamanahin ko kaya kahit mapunta pa lahat ng ari-arian ni papa sa batang yun wala akong pakialam...
"atty. ano ba...matagal pa ba yan." tanong ni mama sa atty
"kailngan po kumpleto tayo bago buksan ang nilalaman nito."
at dumating na ang unang pamilya, apat lang kami na ipinatawag kahit alam ng lahat na maraming babae si papa...kami lang kasing dalawa ang kinikilalang anak ni papa...
"ayon sa yumaong si frederick lopez ay..."
ang lahat ay naka-abang sa sasabihn ni atty...
"mabubuksan lamang ang last will and testament kung ang dalawang pamilya ay magsasama sa bahay na ito."
gulat na gulat ang lahat
"sigurado ba kayo dyan atty.?" tanong ng unang asawa ni papa
"at ikaw pa ang may ganang magreklamo?" sagot naman ni mama
bago pa man magkainitan umalis na si atty at lumabas na lang ako.
BINABASA MO ANG
She's Wounded
Fanfic"wag kang umarte na parang ikaw lang ang nahihirapan, dahil kulang payan sa lahat ng aking pinagdaanan." -karren to clarissa-