01 - Status

27 1 11
                                    

Ashley's POV

Nagffacebook lang ako ngayon dito sa bahay habang nakahiga
*scroll**scroll*-- may nakita akong post na hindi kaaya-aya -_-.

"Status- Cyrone Javier: Magmove-on ka na sakin please 😂"

Tss. Ang yabang naman neto. Akala mo naman kung sinong pogi. Nakakainis lang yung mga gantong uri ng tao, kilala ko to e.

Nakikita ko dati nung elementary. Malapit lang din samin nakatira. Kaso di ko na ngayon nakikita kase di naman ako nalabas ng bahay.

"Tara maglaro ng lol" biglang sabi ng pinsan kona si Jana.

By the way I play lol. Isa sa mga hobbies ko. Sa bahay lang ako naglalaro, sa PC ko. Ayokong maglaro sa computer shops kase ang daming tao dun saka puro lalaki pa. Pag panget yung laro ko, nakakahiya.

"San tayo maglalaro?" Sagot ko sakanya.

"Sa labas, sa computer shop" -Jana

"Aba ayoko nga. Ang dami-daming lalaki dun e. Nakakahiya." Sabi ko sakanya. E totoo naman e. Nakakahiya kaya.

"Hindi yan kasama mo naman ako e", sabi nya saken.

"Ganon ba yon?"

"Oo ganon yon. Ako bahala sayo."

Talaga 'tong pinsan ko kababaeng tao e laging nasa computer shop. Sya lang lagi ang nagiisang babaeng naglalaro don at hindi ko alam kung pano nya nagagawa yon.

"Sige na nga." Pagpayag ko sakanya.

--

Habang papunta sa computer shop, nadaanan namin ang bahay ni Cyrone.

Napatingin ako don at nakita ko siya sa may labas ng bahay nila, may kasamang isa pang lalaki. Naguusap sila ng tungkol sa kung ano. Di ko na yun pinansin dahil dire-diretso lang kami sa paglalakad ng pinsan ko.

--

At nandito na nga kami sa comshop malapit lang sa bahay namin. Maraming PC dito pero konti nalang naglalaro. 2 hours lang kami kasi medyo gabi na. Tapos biglang may dumating na lalaki ang pumasok sa pinto. Hindi lang sya basta lalaki.

Si Cyrone lang naman yung pumasok, may kasama din syang isa pang lalaki. At sige na nga! May itsura sya. May itsura lang naman, hindi kapogian.

Pero hindi pa din nun mababago na mayabang sya no.

Ang larong ito ay parang mobile legends lang din. You need to kill your enemies and destroy their towers.

May ranks dito para malaman kung gano kaexperienced ang isang player. Bronze-Silver-Gold-Platinum-Challenger.

Meron din ditong standing/score kung saan binibilang kung ilan ang kills, deaths, at assists - k/d/a, meaning kung ilang beses kang nakapatay ng kalaban, ilang beses kang namatay, at kung ilang beses kang nakatulong makapatay ng kalaban.

Nagbukas na kami ng PC at mabilis natapos yung first game namin kaya next game na.

Bago magsimula ng isa pang game, in-invite ko na yung pinsan ko, pati na rin lahat na pede mainvite. Bukod sa pinsan ko, hindi ko kilala yung iba pa.

May nagaccept na isa don, silver na yung rank. Magsstart na bale kami pero,

"Wait lang matatapos na yung kasama ko"; sabi nung silver.

Edi naghintay kami hanggang sa tapos na nga yung kasama nya. Sumali yung kasama nya samen at infairness ha, gold (rank ng player) na yung kasama niya.

Nagstart na kami, magkasama kami sa bot lane nung gold. Ang galing e. Sarap kasama.

Ako yung support nya. Kaya kapag mamamatay na sya, tinutulungan ko sya. Galing ko magsupport no.

Hanggang sa natalo na namin yung kalaban ng mabilisan. Bale 24/5 ang standing niya nung tapos nung game.

Galing talaga e, idol ko na to. Victory! Yesss, wala pa kong talo ngayong araw. At dahil nga natuwa akong kakampi itong gold na 'to,

Nagchat ako sakanya. "Tara isa pa", sabi ko sakanya. Pumayag naman sya at nagisa pa nga kami. Habang pumipili ng champion, tinanong ko yung fb nung gold.

"May facebook ka? Iaadd kita" tanong ko sa kanya.

"Mahal na ko nyan e kaya tinatanong fb ko hahaha"-gold

Teka muna... Mahal ko na daw siya? Alam niya na babae ako? Wala naman akong sinasabi ah.

"Ayy. Di na pala kita iaaadd haha"- sabi ko ng natatawa.

Assuming din to hahaha. Hindi naman sa mahal na kita pero napahanga mo talaga ko sa paglalaro mo.

Nakakaturn on pala talaga pag magaling maglol ang isang tao. Atleast para saken lol.

"May fb ka nga?" Pilit kong tanong sa kanya.

"Kled Javier"

sagot naman nung gold. Pagkatapos kong makita iyon ay nagsearch agad ako sa facebook sa sobrang curious ko.

In the end, wala akong nakitang ganong pangalan. Pero may nakita akong photo, family gathering tapos nakatag si Cyrone Javier.

The hell? Kled Javier sinearch ko tapos lalabas sya? Duhh. Uto naman ako sa gold na yun, wala naman pala talagang ganon. Ayy.

Nagstart na yung game at sa kalagitnaan nung game, nakatriple kill lang naman ako. Saya ko na nyan haha.

Pagtingin ko sa chatbox,

"nice baby" sabi nung gold.

Baby daw hahahahaha medyo corny. Landi naman neto. Tawang-tawa ko sa 'baby' e hahahaha.

Natapos yung game pero talo kami. Sad part. Napansin ko din na kami lang pala nung gold yung nagbubuhat nung game, kami nalang pala yung lumalaban -_- pati yung pinsan ko di ko naramdaman e.

Panalo pa sana yun. Sayang. Pagkatapos nung game na yon, nagout na kami ng pinsan ko. Gabi na kasi. At sakto, nagout na din si Cyrone at yung kasama nya.

"Sayang panalo pa bale yon" sabi ni Cyrone sa kasama nya.

Hala? Panalo din bale yung game nya? Parehas kami hahaha. Coincidence?

Nagbayad na kami sa counter at umuwi.

Habang naglalakad pauwi, mga 2 meters away, nandon sa likod si Cyrone at yung pinsan nya. Naririnig ko e. Tagadito nga lang pala yan.

At tuluyan na nga kaming nakauwi ng pinsan ko, parehas kase kami ng bahay na tinutulugan. Ang size ng bahay namin ay sakto lang naman ang laki.

--

Bago ako matulog, inisip ko yung mga nangyari.

"Nice baby"

"Nice baby"

"Nice baby"

Yan lang naman yung nasa isip ko, yung dalawang salita na yan. Hindi ko alam kung natatawa ba ko o kinikilig. Ngayon lang nangyari na may nakaalam na girlgamer ako.

Teka teka teka, pano nga ba nalaman nung gold na yun na babae ako? Wala naman akong sinabi ah.

*flashback*

"Sayang panalo pa bale yon." sabi ni Cyrone sa kasama nyang lalaki.

*end of flashback*

Wait lang... Nung nagpunta kami sa comshop, nandon din si Cyrone at yung kasama niya.

Yung game namin ni Jana, panalo sana kaso natalo.

Pagkatapos na pagkatapos namin, sinabi ni Cyrone sa kasama niya na panalo pa din sana yung game nila.

Tapos nung nagout na kami, sakto na nagout na din sila. Coincidence lang ba? O baka si Cyrone yung nakalaro ko na gold!

Kung siya nga yon, bakit niya naman ako tatawaging 'baby'? Hala, e ngayon lang naman kami nagkita.

Nang Dahil Sa LOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon