"Ashleeeeeeeeeeeeeeey! May naghahanap sayo sa labas!!" malakas na sigaw ni Jana.
Ha? Sino naman kaya maghahanap saken? Hmmmm. Baka nahingi lang solicit. At bakit naman ako ang hihingan ng solicit? Luhh.
"Sino naman yan?" Tanong ko kay Jana.
"Lumabas ka na lang kase dami pang tanong."
"Wow ha. Isa lang yon."
Istorbo naman 'tong taong 'to. Nakahiga ako dito at walang ginagawa e, bigla kong tatawagin. Kakauwi ko pa lang naman galing school. Dali-dali akong tumayo at lumabas para tingnan kung sino yung naghahanap sa akin.
"Hi Ashley :)"
Oh my gold. Bakit nandito yang taong yan?
"Hi din? Bakit ka nandito Cyrone? Dun pa yung bahay nyo ah." Awkward na pagkakasabi ko sa kanya.
"Hahaha ikaw talaga pinuntahan ko. Sabi ko diba sasamahan kita?"
"Seryoso ba yon? Akala ko nagloloko ka lang." Akala ko ba shy type ka? Di ko naman akalain na pupuntahan mo ko dito.
"Oo naman seryoso yon? Tara maglaro" -pagyayakag nya sa akin.
"Ngayon na? As in?"
"Oo ngayon na haha."
"Waitt. Magbibihis lang ako" nakauniform pa kasi ako e.
"Sige. Hihintayin kita."
Seryoso? Pupunta sya dito para lang yakagin ako maglaro?? Ang effort naman po pala. Nagbihis na ko at lumabas ng bahay.
Habang naglalakad kami papuntang comshop ay ang tahimik lang namin. Ramdam ko talaga yung awkwardness, sino banamang hindi e bigla-bigla na lang magpupunta sa bahay. Hanggang sa makarating kami ng comshop at mag-open ng PC. Sya sa 18, ako naman sa 17.
Nagsupport hero ako sa kanya kasi alam ko namang magaling sya magcarry.
Magkatabi lang kami ng PC, habang naglalaro kami; sa pamamagitan ng pagt-type ay sinasabi nya ang:
"baby heal mo ko."
"baby dito, support"
"galing naman magsupport ng baby ko"
Baby? Sinong baby dito? Baby, naglolol? Lakas naman non! Lakas makababy ng taong 'to ah. Daig pa tatay ko.
"baby mo 'to" nalang ang nareply ko. Landi banaman akala mo naman may gusto ko sa kanya. Asa.
Ang mga sinasabi nya ay nababasa lang sa monitor pero hindi talaga kami nagsasalita gamit yung bibig namin habang naglalaro.
Edi nagsalita na ko,
"Hoy Cyrone, bakit ba baby ka ng baby!?"-hindi yan pasigaw pero exclamation mark para intense.
"Baby kita e"-sabay smirk nya.
"At sinong may sabi?"tanong ko sa kanya.
"Ako" maikli nyang sagot.
Pinuntahan ako ng bahay tapos ngayon naman baby nya na ko? Lakas naman po ni Cyrone. Akala nya naman talaga e. Hahaha. Tama naman, akala nya nga lang.
So naka4 hours kami ng di sinasadya kasi masyado kaming napasarap sa paglalaro, syempre magaling ako magsupport e. 9pm na hala. Nagout na kami sabay at lumabas na ng comshop.
Hinatid ako ni Cyrone pauwi kasi daw niyakag nya ko tapos alangan naman na hayaan nya na lang ako umuwi magisa.
Hindi naman kalayuan ang bahay namin pero pinilit nya talaga kong ihatid. Habang naglalakad kami pauwi, hindi ko na napigilang magtanong:
"Ano yung pinost mo sa facebook? Bakit naman ganon?" tanong ko sa kanya.
"Ahh yung 'magmove-on ka na saken' ba? Kinukulit kasi ko ng kinukulit ng ex ko, sya na nga nakipagbreak saken. Nasaktan din naman ako tapos bigla syang magpaparamdam? Ang unfair."
Ahh, ganon pala yung nangyari. Tapos eto ko judge judge judge lang. Sorry na agad. Di na mauulit.
"Okay lang yan, baka hindi sya yung para sayo. Tsaka magaling ka naman maglol e ayos lang yan." -my kind of comforting words lol.
"Ano namang kinalaman ng lol? Kunsabagay, yun nga yung dahilan kung bakit kami nagbreak." Ayy. Hala. Akala ko pa naman nakakatulong na ko.
"Kasi wala na kayong time dahil don? Nako kung alam nya lang kung gano ka katalented maglol. Tama lang na nagbreak kayo, di nya naa-appreciate talent mo hahaha. Tsaka to break up because you're doing something you love, which is lol; di ka non mahal. Hindi ka nya naiintindihan." Woww, coming from me Ashley ha.
"Nandito na tayo, salamat Ashley. Sana nagenjoy ka sa laro natin." pamamalam nya kasi nandito na kami sa labas ng bahay namin.
"Salamat din Cyrone, oo naman nagenjoy ako. Panalo lahat e. Sa susunod na lang ulit hahaha"
Pumasok na ko sa bahay at dumiretso na sa kwarto. Hindi naman pala ganon kasama si Cyrone, judgemental ko talaga. Mabait naman pala tsaka madaling pakisamahan. Minahal nya lang siguro talaga yung ex nya. Naglol, nagmahal, nasktan dahil sa lol, naglol pa din. Di na masama para maging kaibigan.
*phone vibrates*
(1 text message from unknown)
"Goodnight"
??? Baka wrong send.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa LOL
Teen FictionSi Ashley Garcia ay isang girlgamer na tinatawag nga nila, sa kadahilanan nga na babae tapos gamer. Sa mundong puro lalaki halos ang nilalaman at idagdag mo pa na hindi mo sila kilala, isang araw ay may nakalaro si Ashley na bigla nalang siyang tin...