SLY 9

1.7K 41 1
                                    

"Ang swerte mo bruha ka! Of all people si Bea pa talaga nakasama mo ate Ji?!" Parang ewan na sabi sa akin ni Ponggay. Nasa room na kami nun.

Yung itsura nya, parang kinikilig na hindi mo maintindihan.

Ang haba-haba pa ng paliwanag namin ni Bea kanina kay Mamu.

Kung hindi pa nga ako nagreklamong gutom na ako, hindi kami tatantanan nun.

Si Mamu kasi ayaw na ayaw nun na nagugutom kami ni Ponggay.

Kaya ayun, natatarantang ipinaghanda kami agad.

Nakikain pa samin si Bea bago tuluyang umalis.

I mean pinakain pa ni Mamu.

Si Pong naman todo entertain :D

Bago sya umalis, may pahabol pa syang sinabi..

Ang cool daw ni Mamu.

Seryoso ba sya dun?

"Ano lang ginawa nyo dun magdamag sis?" Patuloy na dakdak ni Ponggay.

Balak pa talagang alamin?

Sasabihin ko ba?

Syempre hindi noh!

Private kaya yun :D

waaaah!!! :))

"Wala naman, ano namang gagawin namin dun?" Balik kong tanong sa kanya.

"Bruha! Magdamag yun! Wala ka man lang ginawa? Kung di ko pa alam gustong gusto mo yung si Bea, diba ate Ji!"

Nanlaki yung mata ko.

"Paano mo nalaman yun?" Sabi ko naman.

Wala naman kasi akong nakwento sa kanya na crush ko si Bea.

"Sabi na ehh may HD ka talaga kay Bea ehh" Sabay tawa nya.

"Paano mo kasi alam?" Pangungulit ko.

Ganun ba ako ka-Obvious?

"Wala, hinuhuli lang kita" tawang-tawang sabi nya.

Asar na yan!

Binato ko nga  ng unan. Pero nailagan nya naman.

"Pero alam mo ate, gusto ko sya para sayo." Dagdag naman ni Pong. Kung kanina inaasar nya ko, ngayon naman seryosong seryoso na itong pinsan ko.

"Kung makapagsalita ka naman, para namang ikakasal na ako.! Saka pareho kaming babae no! At imposible namanng gustuhin ako nun. Oo Crush ko sya Pong! Pero sya? Wala! Walang gusto yun sa akin. WALA!" Seryoso ko ding sabi sa kanya.

Medyo nasaktan pa ako sa huling sinabi ko.

"Ehdi wala! Alam mo ate Jia, sa love wala namang pinipiling gender yun.. Eh sa nagmamahal ka ehh anong magagawa nila. Saka if I know, pinagnanasaan mo naman yun ehh " Pang-aasar na namang sabi saken ng bruhang to.

"Hindi ahh" Tanggi ko naman.

Hindi ko sya pinagnanasaan.

Konti lang :D

Konti lang naman :D

Kinabukasan sa school..

Pagkadating na pagkadating ko. Yung groupmates ko agad yung hinanap ko.

Syempre kailangan ko magpaliwanag.

Nakita ko naman si Isa agad. At nag-explain ako.

Pati yung iba kong groupmates eh naintindihan naman saw nila ako.

Secretly Loving You (JiBea) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon