Bakit? Bakit ka ganyan? Pinaramdam mo sa akin yung mga bagay na gusto kong maramdaman. Kilig, pagpapahalaga. Pero bakit? Bakit bigla kang huminto? Hanggang doon na lang yun?
Bakit ka huminto kung kailang nahuhulog na ako sayo? Bakit ka huminto kung kailang hinahanap-hanap na kita?
Ilang beses kong ipinalangin na sana ay maalala mo ako at matawagan, pero wala.
Sana hindi ka nalang nagsimula kung titigil ka rin pala. Sana sinabi mo na "Hanggang dito lang ako at wag ka ng umasa."