Chapter [1]

467 11 2
                                    

A/N: Heyyahy Miii Loves! This is going to be the last Kathniel fanfic story that I will write. YES. Last na. and first time kong gagawa na ACTION ang genre. HAHAHA. Short story lang din siya. siguro 10 to 15 chapters lang :)

PS: wag masyado mag-expect, okay? basta i'll do my best ♥

-Lee

Chapter One.

"anak..." pa-ulit ulit na nag-e-echo sa utak niya ang sinabi ng Mama niya ng matagpuan niya ito sa isang lumang gusali na may tama ng baril sa kanang balikat, marami na rin ang dugong nawala ng madala niya ito sa ospital.

"Ma! Ma gumising ka please!" sigaw niya habang nasa stretcher ang mama niya na walang malay na papasok ng emergency room. "Ma wag mo kami iiwan please! wag mo ko iiwan ma!" patuloy lang sa pag-agos ang mga luha niya.

"Sir hanggang dito na lang po kayo" harang sa kanya ng dalawang Nurse na lalaki. Hindi na siya nag-pumilit pa dahil alam naman niyang tanging mga nurse at doktor lang ang pupwede sa loob. Mula sa kinatatayuan niya sa labas ay nakikita sa salamin na bintana na nirerevive ang mama niya ng doktor. "Ma kaya mo yan. lumaban ka please" bulong niya sa sarili niya. Hindi pwedeng mamatay ang mama niya. Ayaw niyang mawala ito dahil kakahanap pa lang niya dito. Pero tila hindi umayon sa kagustuhan niya ang kapalaran. Kasabay ng pagtuwid ng linya sa makina ay ang nakakabinging tunog na kahit sino ay hindi magugustuhang marinig. Sa paglabas ng doktor mula sa silid na kinaroroonan ng mama niya ay isang nakakabinging sigaw ang pinakawalan niya

"Mamaaaaaaaa!"

"Maaaaaaaaa!" sigaw niya habang naghahabol ng hininga. napakahawak siya sa dibdib niya sa pag-akakalang totoo ang mga eksena sa panaginip niya

"whooo! akala ko totoo!" bulong niya sa sarili niya. Agad niya kinuha ang larawan ng mama niya na nasa study table lang niya

"Mahahanap rin kita Mama" sabi niya. Tiningnan niya ang oras sa cellphone niya at agad siyang naligo at nagbihis.

"Bryan anong ginagawa mo dito?!" hila sa kanya ng isang babae papunta sa tagong lugar "you're suspended diba? magagalit si Papa kapag nakita ka niya dito"

"Mara" inalis niya ang pagkakahawak ni Mara sa braso niya "kailangan ko maka-usap si Papa" at tinalikuran na niya ang kausap niya

"I don't think he will talk to you Bryan" sabi ni Mara pero hindi niya ito pinakinggan nagpatuloy na siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa tapat ng office ng ama niya. kakatok na sana siya ng bumukas ang pinto.

"Right away boss!" sabi nito bago lumingon "Bryan!" gulat na sabi nito "Hey buddy. Good thing you're here already hindi na ko mahihirapang hanapin ka pa" nagtataka naman si Bryan sa pinagsasabi ng taong nasa harapan niya "kakausapin ka ni Boss etse ng tatay mo" bulong nito kay bryan sabay tapik nito sa balikat "Goodluck" nakangising sabi nito sabay tulak kay bryan papasok sa loob.

"Carlos kakausapin mo daw ako?" walang kagalang-galang sabi ni Bryan ng umupo siya sa tapat ng nakatalikod niyang ama na pina-iikot-ikot ang ballpen sa daliri nito

"wala ka talagang galang Bryan" sabi ng ama niya ng humarap ito sa kanya "kalalabas lang ni Topy ah? nakaramdam ka ba na kakausapin na kita afterall?"

"Assuming ka masyado pa? pupuntahan talaga kita" napa-iling na lang sa kanya ang ama niya habang nakatingin sa kanya "ano mag tititigan na lang ba tayo Pa? o sige ako na mauuna, nandito ako para sabihin sayo na lilipat ako ng department para sumali sa grupo ng may hawak sa kaso ni Mama"

"ang galing mo talaga anak" pang-asar na sabi sa kanya ng ama niya habang pumapalakpak pa para mas lalong asarin si Bryan

"siyemre. sabi mo nga diba anak mo ko edi sayo nagmana" pang-aasar din ni Bryan sa ama niya

"do you think i will allow you to do that? you're suspended bryan. masyado ka atang mayabang para sabihan ako ng ganyan. kung ang grupong may hawak sa kaso ng Mama mo ay nahihirapan pagdugtong-dugtungin ang mga nakalap nilang impormasyon, ano kayang maitutulong sa kanila ng isang Bryan Guerrero na maliit na daga lang ay natakasan? Wala na kong tiwala sa kakayahan mo anak" seryosong pagkakasabi sa kanya ng ama niya na may halong galit dahil sa kapalpakan ni Bryan ng nakaraang linggo nung utusan niya itong dalhin ang isang bata na magsisilbi sana nilang witness sa isasagawang imbestigasyon tungkol sa kawalanghiyaang nangyayari sa loob ng ampunan pero natakasan nito si Bryan. at hindi lang naman iyon ang mga kapalpakan na nagawa ni Bryan, marami na rin siyang kapalpakang nagawa kaya nawalan ng tiwala ang kanyang ama sa kanya

"sabi ko nga eh. yan at yan pa rin ang sasabihin mo sakin, nag-aksya lang ako ng oras" sabi nito na nawalan na ng pag-asa. Tatayo na sana siya sa kinauupuan niya ng magsalita ang ama niya

"hindi ka naman nag-aksaya ng oras anak" sabi ng ama nito at tumayo papunta sa isang cabinet. Lumapit ito kay Bryan at may ini-abot na folder. kinuhan naman ito ni Bryan at binasa habang nakikinig sa litanya ng kanyang ama.

"pag-isipan mong mabuti Bryan" sabi sa kanya ng ama niya.

"I'm accepting your challenge boss"sabay lahad ng kamay niya sa kanyang ama. hindi na siya nagdalawang isip pa at agad siyang pumayag dahil para sa mama niya yun. para makalipat siya ng department at mapasama sa mga may hawak ng kaso ng mama niya.

"okay then, You will start tomorrow" tumayo na si Bryan para maka-alis na sa harap ng ama niya.

 bubuksan na sana ni bryan yung pinto ng napatigil siya sa sinabi ng ama niya "You can do whatever you want to do on your mission Bryan but always keep on your mind that 'No matter what happens, there's No turning Back" 

***

No Turning BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon