Lihim na Pagsubaybay

5 2 0
                                    



'Hay ang gwapo niya talaga' bulong ko sa sarili.


Pilit kong tinatago ang sarili sa likod ng punong akasya habang sinubaybayan si bebs na maglaro ng basketball. Bagay talaga sa kanya ang magiging captain dahil tila ginagamitan niya nga mahika ang bola para umayon sa mga gusto niya.



'Click'



Three points na naman! Go bebs!


Habang naglalaro siya ay kinukuhanan ko siya ng litrato. Sinasabayan ng tunog ng camera ang bawat galaw niya. Wala yatang pangit na anggulo sa kanya. Minsan cute, kadalasan naman ay gwapo. Yieeehh, kinkilig ako.



Water break na yata nia kaya nagkanya-kanya na sila ng direksyon na patutunguhan. Si bebs naman nagjog patungo dito, nakita yata beauty ko kaya may balak yakapin ako, Yieeh.


Kinakawaykawayan niya pa ako kaya lumabas na ako ng tuluyan sa tinataguan ko at ano pa ba? Edi nagpacute.


Kumaway naman ako sa kanya ng palapit na siya. Lalapit na sana ako pero yun pala at yung teammate niya ang sadya niya.


Nag-apiran pa sila at nagkamustahan. Tapos inakbayan siya nung si Lex at umalis na silang tuluyan.


Nakakainis rin eh. Palagi nalang silang magkasama. Hindi tuloy ako makachamba para dumiskarte kay bebs. Pero


'Click'


Sino ba naman ako para magalit kung nakikita ko siyang masaya at tumtawa pagkasama bestfriend niya.


Yieeh, ang gwapo niya kaya. Makalaglag panty mga besh, isama niyo na rin ang dress. Rawrr! 

 Rawrr! 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang KRASS kong Beki!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon