Getting Closer

1 1 0
                                    

Natapos na siya sa pagsisigaw niya at huminahon. Lumakad siya papunta sa direksyon ko ng nakayuko. Magtatago na sana ulit ako mga besh kaya lang nakatingin na siya dito e, huli na.

Bakas sa mukha niya ang gulat.

A-ano g-ginagawa mo dito?!’


Nagkandabulol-bulol yung pagsigaw niya dahil sa bilis ng kanyang pagsalita. Ang cute lang mga besh.

K-kanina ka pa ba?’

Medyo mahinahon na yung pagkasabi niya. Tumango naman ako para sagutin siya.

Bigla nalang namula ng husto yung mukha niya. Kung magkaanak kami gusto ko katulad niya, mestiso mga besh, ang gaganda siguro at at ang gagwapo nun kung sakali.

Malungkot na parang natalo sa loto na umupo nalang si bebs Lander doon sa bridge. Lumapit naman ako sakanya at umupo narin sa tabi niya.

Tahimik lang ako mga besh, walang nagsasalita sa amin. Nakatingin lang ako sa manmade lake at siya naman ay nakayuko lang, sinisinghot yung sipon niya na resulta sa kakaiyak.

Isang malalim na buntog hininga ang pinakawalan niya kaya napalingon ako sa kanya.


Alam mo ba? Mahal na mahal ko yung gagong yun. Handang handa ko siyang ipaglaban kahit kanino kahit sa mommy at daddy ko. Nalaman nila na bakla ako at may boyfriend kaya binugbog ako ng binugbog ng tatay ko at pinipressure naman ako ni mommy na magpakasal sa isang anak ng kasosyo nila sa negosyo, hindi daw nila ako mapapatawad hanggat hindi ko pakasalan yung babaeng yun.’


Pinahiran niya muna yung mga luha niya at huminga muna ng malalim.

‘Pero hindi ako pumayag at nagmatigas ako. Naglayas ako sa bahay at tumira sa auntie ko na tanggap ang pagkatao ko. Sinabi ko kay Lex itong pangyayari at tinulungan niya ako sa mga magulang ko.’

Napabuntog hininga na naman siya at malungkot na tumungo.


Marami kaming nakuhang insulto sa kanila pati narin sa mga buong angkan ko. Pinahirapan siya ng tatay niya nung nalaman niya na bakla si Lex at hindi parin maganda ang kondisyon nilang mag-ama hanggang ngayon. Marami kaming napagdaan sa relasyon naming ito. Tinggap rin nila mommy at daddy yung sitwasyon ko subalit nanatili paring sarado yung puso ng papa ni Lex.’

Tumingin siya sa langit at hinayaang tumulo nalang ang mga luha niya.

Marami kaming paghihirap na dinaanan at sa ganito lang rin pala magtatapos.’

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang KRASS kong Beki!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon