Hay, nakakagisa rin talaga ng utak yung test na yun.
Isipin niyo mga besh, five subjects sa umaga at wag ka! Major yung mga yun!
Kaya nabilaukan ang labas mga besh. Ganyan kasi dapat, lafangs lang ng lafangs para ma-activate ulit si brain.
'Uy Izan! Kalma lang, anong nangyari?'
'Tu- tubbeg' hirap na ako mga besh pero nasabi ko parin.
'Tubig? Tubig! Kukuha lang ako ng tubig!' Natatarantang sabi ni besh Lenny sabay nag fly-away.
Ang hirap huminga mga besh at may mga nahuhulog pang pagkain sa bibig ko sa kakaubo.
Kinakalampag ko nalang yung dibdib ko para makalanghap ulit ng oxygen. Ang tagal naman ni besh Lenny, mamamatay na ako dito.
'Oh'
Ng biglang may nag-abot sa akin ng bottled water at nakakahiya mga besh dahil nakita pa talaga ako bebs sa ganitong sitwasyon.
Nakikita ko naman sa di kalayuang mesa na pigil pigil na tumatawa si Lex na nakatingin sa akin. Sinamaan ko naman ito ng tingin.
Nakakahiya man ay kinuha ko nalang ang bottled water sa kamay ni bebs. Nararamdaman kong uminit ang mga pisngi ko ng kinuha ko ito sa kamay niya.
Yieeeh, ang lambot ng kamay ni crush mga besh. Simpleng pagdampi lang ng mga kamay, nangingisay na sa kilig ang lola niyo.
'Sa susunod kasi, wag mag madaling kumain ok?'
Pinat ni bebs ang ulo ko at nag-chuckle. Yiieeh, ang gwapo niya talaga. Di bale ng nakakahiya, napansin naman ng isang tulad niya.
Tumalikod na siya mga besh at naglakad palabas, sumunod naman sa kanya si Lex.
Nakatanga lang akong nakatingin sa direksyong tinahak ni bebs. Likod palang ulam na.
Nakatanga pa rin ako ng dumating si Lenny sa harap ko. Napatingin naman ako sa kanya at ang loka, pawis na pawis at hangos na hangos.
Abat san kaya to galing at parang nakamarathon lang ang itsura?
Inabot niya naman sa akin ang ice water na dala niya. Nagtataka ko siyang tinignan at tinanggap na rin ang inaabot niya.
'San ka ba galing at bakita ang tagal mo?'
'Saan pa ba? Edi bumili ng tubig sa tindahan'
Binatukan ko nga.
'Gaga, nasa Canteen kaya tayo at may tubig kaya dito!'
Napakamot naman siya ng batok.
'Eh, sa mahal dito e. ₱ 25 para lang sa isang bottled water e sa tindahan piso lang, may pamasahe pa ako pauwi!'
Napairap nalang ako, kuripot talaga nito.
Hay, hayaan na nga.
'Pasalamat ka at mahal kita kung hindi, nakutusan na kita sa singit makikita mo!'
' E di salamat beshfriend'
Niyakap naman ako ng loka.
BINABASA MO ANG
Ang KRASS kong Beki!!!
HumorThe title says it all, beki ang crush ko mga besh! I cannot! huhuhuhuhu