Say Kheith! 2

8 0 0
                                    

"What? What are you looking at?!" Inis kong sita sa lalaking nakatingin pa din sa akin.

Tumayo ako at lumapit sa kanya, mas maliwanag sa gawi niya kaya mas nakita ko ng maigi ang kanyang hitsura. I was taken aback. Who the hell created someone this- beautiful? Hindi kasi siya gwapo. Understatement ang salitang 'yon para sa mukha niya. Iisa yata kami ng ninuno nito, magkasing gwapo kami. Pero bakit siya hiniwalayan ng babaeng 'yon?

Nabigla ako ng tumalikod lang ito at nagsimulang maglakad.

"Hey! You're name is Dame right? I'm Kheith. Taga dito ka ding subdivision?" Tanong ko saka humabol sa kanya. Tinignan niya lang ako at mas binilisan ang ang lakad niya.
"Hoy! Bastos mo naman po!" Tumigil siya kaya bigla din akong napa-preno sabay wasiwas ng kamay ko sa harap ng mukha ko. Self-defense, hindi mo 'yon alam? Haha.

Tinitigan niya lang ako na parang tanga. Kaya binaba ko ang kamay ko at sumimangot. Hindi siya natawa, KJ.

"KJ Dame." Bulong ko pa ng tumalikod na naman siya.
"Lame Dame" oy, magandang pakinggan. Nagkukunwari naman siyang walang naririnig. Kaya mas nilakasan ko pa.
"Welcome to Dame Game everyone! Rhyme Game, Name Game! Let's play with the name Dame!" Huminto na naman siya at tinignan ako na parang naloloko naman. Ngumisi lang din ako saka lumapit sa kanya.

"Pwede magpa-ampon? Sabi ng ale kanina, mayaman ka. Ulila na kasi ako, gwapo ka naman kaya pwede kang sugar Daddy. Ano? Payag ka? Daddy Dame? Mabait ako at hindi pa kita iiwan. Promise!" Nakita kong lumaki pang lalo ang mata niya sabay atras. Ang cute! Kung naging babae ka lang sana.

Mukhang may mapagkaka-abalahan ako. Then I gave him a cheeky smile na nagpalaki sa singkit niyang mata.

❤❤❤Dame's POV

Can I really call him? Can I really have him for myself?

**********
Keith's POV

One week na!!!!!!
One week ko ng hinihintay ang tawag niya! Nakakainis! Isang linggo akong bored! Isang lingo akong nakatunganga lang sa harap ng cellphone ko. Nag-effort pa akong ipilit sa kanya ang number ko.

AH! Baka busy siya? Oo, baka busy lang.

Hindi ko na din maintindihan ang sarili ko. Bakit ko ba inaaksaya ang oras ko sa kanya? Kung ayaw niya akong aliwin, eh 'di wag niya. Pero sayang kasi talaga. Hai.

"Kheithoy, tawag ka ni Dad sa baba." Peste talaga 'tong si Khamyl!

"Kailan mo ba ako titigilan niyang kaka-Kheithoy mong tomboy ka?!" Inis kong sita sa kakambal ko. Ewan ko ba, sabay ba talaga kaming pinagbuntis ni Mommy? Hindi ko kasi kaugali 'tong si Venice, hindi ko rin kamukha. Kamukha ko kasi si Mom, siya naman ay si Daddy ang kamukha. Kaya kung gaano ka-anghel ang dating ko, ganun naman ka-pilya ang dating niya. Palaging siyang masaya, parang lahat maganda ang tingin niya. Na siyang kinaiinggitan ko. Isang sinapupunan lang naman ang nagdala sa'min ng sabay, pero bakit sobrang iba ang takbo ng utak namin? Sobrang magka-iba kami.

AH! Sa isang bagay lang pala kami magkatulad! Pareho kaming sobrang maloko. Siya sa-ah basta- ako naman sa buhay ko.

Nasa gitna pa lang ng hagdan ay kita ko na ang busangot na mukha ni Daddy.

"For the love of God Kheith! Ano na naman 'tong nabalitaan ko na halos isang buwan kang hindi umuwi?! Saan ka na naman pumunta?! Sino ka na naman this time?!" Napakamot na lang ako ng ulo. Gago talaga 'tong si Khamyl, sumbongera na sipsip. Siguradong may nakuha na naman 'yon!

"Kalma lang Dad, mabait ang kumopkop sa'kin this time. I also worked in a fastfood chain. I can handle myself." Sagot ko sabay yakap kay Mommy na nakikinig lang.

"And I will bet all my fingers that you told them you're an orphan, right? Paano kung makatyempo ka na naman ng tarantado? Hindi ka na nadala! Wala ka talagang takot sa dibdib na bata ka?! Baka sa susunod na pagkikita natin ay wala ka ng lamang-loob." Patuloy na bulyaw na Dad habang nagbubulungan kami ni Mommy. "My God Louise! Kaya ganyan yang anak mo eh!" Napatahimik naman kami ni Mom pero alam kong nagpipigil din 'yan ng tawa.

"If you really want to live someone elses life Kheith Vincent, I'm giving you what you want. This time, I will be the one to choose your caretaker. Let's see if you'll still find your life boring." Nagulat naman ako sa sinabi ni Dad but somehow, I am feeling ecstatic about this. Weird.

///author's note:
Sorry for the lame UD.
I'm really trying to make this fun to read so I hope nasasatisfy naman ka.

Say Kheith!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon