Say Kheith! 3

8 0 0
                                    

This is the day! I'm on my way to the address given by my father. Sa 19 years kong pagkabuhay sa mundo, ngayon ko lang nalaman na may partner pala kami sa pinakamalaki naming negosyo. At ang loko-loko ko ding Ama ay pinadala ako sa kasosyo niya at pinakilalang pamangkin ni Mommy. I will be living there until I graduate and I will be working as his secratary, this will also serve as my ojt and preparation for my future. Ako daw kasi ang papalit sa kanya, malamang, hindi naman maaasahan si Khamyl sa negosyo.

"Sir Kheith, andito na tayo." Sabi ni Kuya Ramon at bumaba na ng kotse. Ng maisara ko na ang pinto ay saka ko lang napansin ang malaking bahay sa harap ko. Not bad. Ito na ang pinakamalaki kong matitirhan if ever.

"Ay Manong Ramon! Ako na po!" May babaeng kaedad ko lang siguro na lumabas at hinawakan ang maleta kong nasa kamay ni Kuya Ramon.

"Ay h'wag na Jane, kaya ko na ito. Salamat na lang." Saka ito nagtuloy sa loob. Lagi ba sila Daddy dito at kilala pati si Kuya Ramon ng katulong?

"Kayo po ba si Sir Vincent?" Tanong nito habang nakangiti.

"It's Kheith." Suplado kong sagot, feel ko magsuplado eh, paki mo ba.

"Ah. Sorry po Sir Kheith. Ibinilin po kayo ni Sir Michel sa'kin. Mamaya pa kasi siya uuwi kaya ako na po magwewelcome sa inyo." Sabi na naman nito.

"I'm fine. Pakituro na lang ng magiging kwarto ko."
Suplado ko pa ding turan sa kanya.

"Opo Sir." Sagot nito at na-unang maglakad.

"By the way, this Michel, anong oras siya umuuwi?" I asked out of curiousity.

"Mga 5 P.M po." Simpleng sagot nito na sobrang kulang para sa'kin.

"It's sunday right? So malamang wala siya sa work, date na ganito kaaga? Wow." Komento ko.

"Ay hindi po Sir. Kahit sunday po nagtatrabaho si Sir Michel. Hindi ho iyon naglalagi sa bahay." Pag-tatama nito sa iniisip ko.

"Ibig sabihin, 7 times a week nasa office kami at magtatrabaho? Wala ba siyang social life?" Tanong ko naman pabalik.

"Social life? Depende kung ano po 'yong social life sa dictionary niyo. Para po kasi kay Sir Michel, kaibigan niya kami lahat dito sa bahay. Social life na din para sa kanya ang pakikisalamuha niya sa trabaho. Saka umaattend naman din siya sa mga parties. May girlfriend din naman siya." Mahabang pahayag nito.

"Tss! Boring to the bones pala ng amo mo." Bulong ko.

"Na amo niyo na rin po." Nakangiti niyang sabi sa'kin at binuksan ang kwartong nasa harap nanamin at nasa pinakadulo ng hallway. "Dito daw po kayo sa kwarto katabi ng study room ni Sir Michel para mabilis daw niya kayong matatawag kulng kailangan ka niya." Nice. Pumasok na lang din ako sa kwarto at hinayaan siyang ipasok ang mga gamit ko.

"Anong meron sa 2nd floor? Ang dami ng rooms dito sa baba so for sure hindi na rooms 'yong nandoon, except kung hotel itong bahay niya." Again, out of curiousity ito.

"Ah, play room, movie room, music room. Mga room pa din po siya pero para na po sa libangan." Nice again.

Maganda ang kabuoan ng kwarto, note the sarcasm. Kung sino man ang nagdesign nito ay dapat ng ilibing 6ft below the ground. Cream ang dingding. Puti ang bed. Brown ang malaking kabinet na isa ding malaking salamin. May puting sofa at may malaking TV, ang tanging bagay na gusto ko sa kwartong ito. Kahit ang study table ay puti at walang kahit anong palamuti. Maliban sa lalagyan ng ballpen at desktop set na maayos na nakapatong doon ay wala ka ng makikita.

"Iwan mo na lang 'yan diyan at ako na ang mag-aayos Jane." Bored kong sabi kay Jane na binubuksan ang maleta ko.

"Kayo po ang masusunod Sir. Nasa kusina lang po ako, anong gusto niyo para sa tanghalian?" Sagot niya at lumakad papunta sa pinto.

"Anything. Hindi ako mapili sa pagkain. Salamat."  After she closed the door, I started to unpack my things.

"This would be a lot of work."

5:30 P.M.

Nasa movie room ako at nanonood ng Logan. Mabuti na lang at updated siya pagdating sa mga movies at halos lahat ng genre ay meron siya. Nasa kalagitnaan na ako ng makarinig ng katok.

"Sir Kheith, andito na po si Sir Michel." I don't know why, but I have this funny feeling in my chest.

Sumunod ako kay Jane pababa sa dinning room. Nasa huling baitang na ako ng makarinig ng mga boses na nag-uusap.

"Sir, andito na po si Sir Kheith." And the Michel I saw is someone I didn't expect to see.

"Dame." Naibulong ko.

"Kuya, bawal magmura dito." Saway ng batang babae na sumulpot galing sa likuran ko.

"I- I didn't. I- How?- H-hi." what the f8ck is wrong with me? It's just Dame! THE Dame I have been waiting to contact me.

"Oo na lang po." Pilosopo pang sagot ng bata.

"Mhyca, behave. Bisita siya ni Sir Michel, si Sir Kheith. Mabait siya so maging mabait ka din sa kanya, okay?" pagsasabi ni Jane sa bata. Nakatitig pa din ako kay Dame na nakangiting nakatingin kena Jane at Mhyca.

Siguro ay naramdaman nito ang pagtitig ko kaya napatingin ito sa akin at tinignan ang bakanteng upuan sa tapat niya. Niyuko lang nito ang pinggan at parang hinihintay akong umupo.

"Uhm- hindi pa ako gutom so mauna na kayo kumain." Napataas ng tingin si Dame at napatitig sa'kin. At halos manindig ang balahibo ko sa titig na 'yon. I think I'm becoming weird. Hindi naman nakakatakot 'yong titig niya, it actually felt like he's pleading but it just gives me chills. Okay, I'm crazy. "O-okay, sasabay na lang ako. Para isang hugas na lang ng pinggan, right Jane?"

Nagtataka man ay tumango na din si Jane. Mas nagulat ako ng magsiupuan din sina Jane sa hapag.

"Pasensya na Sir Kheith, gusto kasi ni Sir Michel na sabay lahat kumain. Sana po ay okay lang sa inyo, kung hindi naman ay sabihin niyo lang." Mapagpa-umanhing sabi ni Jane.

"No,it's okay! Pero mas okay sana kung kilala ko kayong lahat." Ramdam ko pa din ang titig ni Dame pero pinipilit kong ignorahin ito.

"Ay! Sorry po! Ito po si Mhyca, kapatid ko. Saka sila po ang magulang namin, si Nanay Linda at Tatay Cain. Matagal na po kaming naninirihan at nagsisilbi kena Sir Michel." Pakilala ni Jane sa pamilya niya.

"Magsabi ka lang Sir Kheith kung may kakailanganin ka. Huwag kang mahihiya." Mabait na sabi ng nanay ni Jane.
"Opo, nice meeting you po! Kheith na lang Nanay Linda." Nakangiti kong sagot.

Natapos ang maagang hapunan namin ng tahimik. Si Mhyca lang yata ang maingay kanina. Nakahiga na ako sa kama ngayon at hindi pa din makapaniwala na si Dame ang kasosyo ni Dad sa negosyo. Na si Dame ang magiging boss ko. At kay Dame ako nakatira ngayon. Unti-unti akong napangiti, ngiting kanina ko pa pinipigilan. This will not be boring.

"What to be. What to be Kheith?"

Say Kheith!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon