LTFB C8 (Class hours)

156 5 2
                                    

Khea Allyson Dela Zalde/Setta's POV

Pumasok ako sa school habang naglalakad! !sh*T naman oh! natalo kasi ako sa pustahan naming lima.. paglaruin banaman ako ng bowling.. yun ang pinakanahihirapan akong sport.. di tulad nila puro mga nakastrike.. kaya ngayon eto ako naglalakad habang sila nakasakay sa sari-sariling kotse..

Siguro mga sampung minuto pa akong maglalakad dito.. P*tang in*ng buhay to.. 

"PPPPTT..Pppppt..." may magarang sasakyan ang humarang saakin hindi lang ito basta magara.. 


isa itong BMW na isa sa pinapangarap kong sasakyan.. binuksan nya ang salamin ng kanyang kotse at nagulat akong si Aldrin Han Kang ang nagmamay-ari nito at napansin kong may katabi syang babae sa kabilang upuan sa kanan maganda at mukhang tahimik at parang.. pamilyar saakin ang babaeng yan.. at katulad ng uniform ko ang suot nya.. ngayon ko lang sya nakita.. Pero bakit naman sila huminto? hindi naman ako tumawid

"Sakay na.." sabi ng babae at humarap sya saakin nakita ko ng ayos ang mukha nya. Mukha talaga syang Pamilyar saakin.. pero yung babae pala ang may gustong sumakay ako.. pero si Aldrin?

"H-huh? hindi na.. at baka magalit ang boyfriend mo. Hindi naman sya ang may gusto." sabi ko sa kanya at narinig ko syang ngumiti at tumawa na ibig nyang sabihin na hindi nya ito kasintahan..

"sumakay ka na Khea.. at baka maabutan ka ng ulan." at sa wakas nagsalita na rin si Aldrin

"A-ah salamat." Sabi ko at walang umimik sa kotse.. pagkababa ko agad naman akong nagpasalamat.. at nagtataka ako kung bakit nya ako sinakay?

nang pagkababa ko sa kotse ni Aldrin ang daming nakatitig saamin.. lalo na sa babaeng kasama nya.. teka sino ba talaga yung babaeng yun? 

***

Pumunta na ako ng room at tulad ng ginagawa ko... kakain ako ng kung anu mang merong chips sa bag.. habang nakataas ang papa ko.. Like a boss lang ang peg.. at sinalpak ko ang earphone ko at kumain ng kettle corn.. habang yung iba naman busy sa pagrereview. May quiz kasi kami eh.. At sa section na ito ang pinakamatataas ang grado kaya nakapagtataka kung bakit ako napasama sa star section na ito.. 

"Aba.. aba.. parang boss lang ah..?" sakastikong sabi ni Kin at dinig ko sya kahit na may nakasalpak sa tenga ko..

"Bakit gusto mo ba?" tandaan mo khea kailangan mong magpakabait.. hindi pa tapos ang misyon mo.. at inabot ko sa kanya ang kettle corn.. nagaalin-langan pa syang hindi kumuha

Let the Flames begin (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon