LTFB C7 (his POV)

172 5 9
                                    

Kin Jhin Kang II POV

Hindi nyo ba ako kilala? pwes humanda ka saakin. Imposibleng walang makakilala saakin. Ako ang pinakakinakatakutan sa lahat. Hindi ba? Kin Jhin Kang II yan ang pangalan ko. Wala akong ginawa kundi ang makipaglaban. Hindi sana ganito ang buhay ko. May misyon kame, may misyon din kaming dapat tapusin tulad ng iba. Dalwang bagay lang ang kailangan naming matapos. Una ang makuha ang Bagay na saamin dapat ang "SEAL" at pangalawa ay ang Patalsikin ang Plazma xxx. Bakit? una sa lahat ang Seal. Ito ang makapangyarihang bagay sa lahat ng mga Gang. Ito ang nagpapatunay na kayo ang pinakamataas, pinakamagaling at pinakamakapangyarihan sa lahat. Ang gang namin ang unang nakakuha nito. Madaming umaagaw ng Seal kaya isang araw nawala ito sa kamay namin at napunta sa PLAZMA xxx. 

Si Kin Jhin Kang II ay hindi magpapatalo. iisa-isahin ko ang Plazma xxx alang-alang sa CryptKenyan Knights. Lahat ay nasaakin. Lahat ng gusto ko masusunod. Lahat ng ayaw ko ayaw ko. Lahat ng gusto kong mawala, mawawala. Kaya wag nyo kong susubukan. 

Tao rin ako. Nagkakaproblema. Simple lang ang gusto ko dati. Ang maging normal na tao. Pero wala eh. Napunta ang lahat sa ganito. Ang Tatay kong si Kin Jhin Kang II. Ang pinakamakapangyarihan noong unang henerasyon ng isinagawa nilang Gang at kailangang kami naman ngayon ang magpapatuloy. Ipinasa nya saakin ang trono nya kaya ngayon wala na ang pangarap ko. Ni pag-puri ng tatay ko hindi ko naranasan, hindi ko maramdaman na minahal nya ako. Kaya ngayon ipapakita ko kung anong kaya kong gawin. 

Importante ang makuha ko ang seal at ang mapatalsik ang Plazma xxx baka sakaling maipagmalaki ako ng tatay ko. Importante din ang babaeng nagligtas saakin dati. Hindi ko kilala kung sino sya. Isa rin yon kung bakit kailangan kong maging malakas. At pinangako ko sa sarili ko na hahanapin ko sya. At ipagtatanggol. 

May nagsasabi na ang totoo kong ama ay si Tito Ruther Hyun Kang. Ang kapatid ng Papa ko. Minsan nagtaka narin ako eh bakit hindi ko kaugali at hindi ko kamukha si Papa. Madaming nagsasabi na si Tito Ruther ang tatay ko. Hindi kaya imposible rin? Si Tito Ruther at si papa ay nagmahal ng isa at ang nanay kong si Mariela na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita. Nawawala si Mama. 

naaalala ko tuloy...

noong akoy 12 years old palang. Nakidnapped ako. Dinala ako sa Korea at isang Gang ang kumuha saakin. At ang nakapagtataka doon parang kakilala ko ang dumukot saakin. Kaboses nya si Tito Ruther. At ang matindi pa noon, dinala ako ng mga bandido sa may pamilyang pinapahirapan. Nakita ko ang isang pamilya kung gaano sila pinapahirapan ng mga bandidong lalaki. Tanging ang batang babae na lang ang natira doon na kasing edad ko. Dahil sa nakita ko para akong matotrauma. Pagkatapos nun ay binulungan ako ng lalaki. Binalaan nya ako at sinabi nyang ganun daw ang mangyayari sa pamilya ko. Kaya naman natakot ako. At doon pinahirapan nila ako nang matapos kong panoorin ang pamilyang yon. Nang may pumuntang babae at tinulungan ako. To make the story short. Ako rin naman ang nasugatan nasaksak ako sa tagiliran noong araw na yun at yung babaeng tumulong saakin. Sana buhay pa sya. At nararamdaman ko yun. Balang araw makikita ko rin sya. At magbabayad ang Gang na sumira saakin. 

Let the Flames begin (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon