OH HAH! NAG-UPDATE AKO. Wala naman kasi atang nagbabasa. Just want to express my opinions, really. Sa mga patuloy na sumusuporta sa walang kwenta kong isturya. Para to sa mga maraming katanungan sa kanilang mga utak hindi SAAN, dahil hindi ako map, hindi din SINO dahil hindi ako si Madam Fifi ng G2B na alam lahat jukk unleh! Paki basa na nga lang ho.
Salamat poooooooo*Chichay's voice*
THIS.IS.IT (Paki click po yung external link sa right , para FnaF xD) --------------------->
---------------------------------------------------------------------------------
Sobrang daming bagay ang mahirap bitawan,sagutin at panindigan. Sa sobrang dami minsan puro BAKIT kaya ganto? BAKIT kaya ito? BAKIT ako? BAKIT nga ba? Hayyyyy ang gulo! -.-
Usapang Pag-Ibig naman to diba? So, kelangan may connect to.
Kahapon Valentines daw? xD dejk, ang bitter ng dating. Kahit paano may natanggap naman po ako di naman ako ganun ka-panget =3=.
May na-realize lang ako. Bakit kaya hindi maaaring lumampas ang Ika- labing apat ng Pebrero ng taon ng hindi ito binibigyan ng celebrasyon? Nuxx, lalim ng tagalog ko XD.
Pero bakit nga ba? Bakit ba, kelangan ng surprises, chocolates,flowers,candy,letters,puds,drinkses xD,*tooot*, at kung ano ano pa?
Bakit ba? ang totoo nyan hindi ko alam. Ang tanging alam ko lang eh kaming mga single eto di maiwasan ang pagiging bitter, aminin! hmmmm. Siguro kasi gusto rin namin maramdaman yun na maging special sa isang tao. Nakakainggit po kaya.
Kaya ito ang lagi kong tanong saaking isipan. Bakit kaya wala pa ang Daniel Padilla ng buhay ko, na ipadadama sakin na ako si Kathryn Bernardo ano po? :( Bakit single pako, ganun ba ko ka-panget? hays.
BAKIT?! limang letra ngunit maraming tanong na nilalaman.
Minsan ang hirap isipin, Bakit yung mga taong gusto nating makatuluyan, hindi satin binibigay? Bakit kelangan manloko ng taong tapat magmahal? Bakit ang sarap ng puds jokeeee again (tawa kayo) Bakit kung sino pa yung mga tunay magmahal sila pa yung palaging nasasaktan, Ahh basta ang daming B.A.K.I.T.?
Hindi ko din alam e. Kaya pwede nyo na tong tapusin. OYYYY! WAIT JOKE LANG ULET =3= makulit lang ako.
Saaking pananaw, ang tamang sagot dyan eh. Panahon at Oras. Kung magkaiba tayo ng opinyon, sorry naman Democracy naman ang umiiral saating bansa.
Panahon at Oras.
Isa ito sa mga pinaka importanteng elemento sa mundo. Kelangan ito saating pag-aaral,pagt'trbaho at sa pag-ibig.
Para kasi sakin. Kung susubukan nating maghintay at matiwala kay God lahat ng katanungan saating mga isipan ay masasagot. Alam nyo naman siguro yung 'In God's perfect time and perfect momment.' at yung 'Let Destiny do its job.' kung nanunuod kayo ng Got to Believe, alam nyo yung pagtatagpo ni Chichay at Joaquin/Ryan nung nasa Singapore si Chichay at yung nalaman ni Chichay na si Joaquin si 'batang pupu', diba may tawag si Chichay dun, 'UNIVERSE NAPO ANG GUMAWA NG PARAAN PARA MAGTAGPO KAMI.' wala lang na-share ko lang mejo may conncet naman diba? syempre fan ako. Pero seryoso parang panahon,oras at destiny lang diba? ehh, kasi diba di naman sila magkikita kung ayaw ni Destiny at pinaglayo ulet sila upang masubok ang kanilang pagmamahalan na alam naman naten sa ending na CHIQUIN (Chichay,Joaquin) pa din sa huli, ganun lang yun friends, dapat marunong tayong maghintay kasi kung kayo, KAYO, nothing's gonna stop the both of you. kung hindi talaga paubaya mo na kay GOD alam nya lahat at ang the best sayo. :)
Subukan nating maghintay pero di ko naman sinasabing mag-wait ka hanggang pumuti ang uwak, ok corny. I mean, hintayin mo kung kelan mo sya matatagpuan. Isa pa, ikaw lang rin naman gumagawa ng rason kung bakit nagiging komplikado ang lahat ng tanong mo. Kasi minsan, alam mo naman yung sagot ayan, pinipilit mo pa din yung sarili mo na hindi yun ang sagot. Gets?
MAHALIN AT KILALANIN MO MUNA ANG SARILI MO, BAGO KA MAG HANGGAD NG PAGMAMAHAL SA IBA. MAS OKAY YUN. :)
At ang the BEST dyan. Maging malapit ka kay God garantisado walang pagdududa. LAHAT NG TANONG MO MASASAGOT, KAHIT HINDI SYA NAGSASALITA IKAW MISMO ANG MAKAKAALAM SA LAHAT NG SAGOT, NA IYO DING TANONG.
Hanggang dito na lang.
-------------------------------------
Salamat sa pagbabasa, Single? TARA KAIN! XD.