Hi.Hello. Nakaisip nanaman ako ng gantoooo. Sayo at sakanya at kung sino sino pa. Salamat sa pagpindot mo dito. Sana magustuhan nyoooo! Sa mga magaganda at kung may pogi mang nagbabasa neto. SALAMAT!
Sa mga kaibigan ko BH dyan! Salamat, naisipan kong gumawa neto kasi..
BH TAYO EH.WALA EH. Eto na nga ang daldal ko eh.
---------------------------
Bakit natin minamahal yung mga taong imposibleng mahalin tayo pabalik? Bakit tayo umaasang babalikan tayo ni EX kung wala na talaga? Bakit nagpapaka tanga tayo sa taong napapansin lang tayo kapag may kailangan? Sa panahon ngayon. USO ANG TANGA! Capslock at Bold pa yan para intense, ramdam nyo pa!
Simple lang naman kung bakit tayo tanga eh. Una, kasi minsan sila yung parating nandyan kapag malungkot ka, minsan naman lagi ka nyang napapatawa kaya nahuhulog kana. Pero karamihan, ASSUMING. Alam mo na ngang imposible sige ka pa din. Tapos kapag nasaktan ka sisisihin mo sino? Sya? na wala namang ginawa kundi I-JOKE ka! Sa mga joker naman dyan (especially boys) wag naman kayong magpapakilig, dyan kami nahuhulog eh.
Para di masaktan, iwasan mag assume alam ko ilan sainyo narinig o nabasa na to ng ilang beses ang "WAG MAG-ASSUME" pero bakit sige kapa din? Alam mo, sa love hindi naman yan contest, na kapag maganda ka o kaya pogi ka ikaw agad yung panalo, maaring panlabas na anyo talaga ang unang tinitignan kapag nagmamahal. Pero diba, kapag nakikilala na naten ng lubosan yung tao minsan nag tu-TURN OFF tayo sa kaugaliang angkin nya.
Simple lang naman ang gusto kong iparating, kapag magmamahal ka. Siguraduhin mong handa kang masaktan. Kasi kapag nagmahal ka, di yan JOKE na pwede mong bawiin kapag naka sakit ka. Lalong di yan TV, na ililipat mo kapag nagsawa kana.
Ang bawat relasyon ay maring may seryoso at di seryoso meron ding landian lang talaga. Pero ang totoo, yung isa sainyo nahuhulog na ng tuluyan. Meron ding dahil sa pagiging mag "BESTFRIENDS" karamihan naman dyan maraming nab-BH e. Kasi masakit kapag narinig nila yung mga salitang "Sorry, hanggang kaibigan lang talaga tingin ko sa'yo." yan,dyan papasok yung pagsayang ng layp eto lang masasabi ko sayo ISA KANG MALAKING SHUNGA. Oh! pasalamat ka shunga lang. Friend, di pa yan ang last, laki laki na kaya ng populasyon ng PILIPINAS para di ka makahanap ng tama para sayo, respetuhin mo na lang si bestfriend, be happy for him/her. Maghanap ka ng deserving yung MAHAL KA. Gets mo? ituon mo yung atensyon mo sa mga bagay na makakalimutan sya o di kaya iwasan mo sya. Oo, mahirap gawin yun pero pano kung yun na lang yung choice? Babalik naman yan eh, kapag nawala na din feelings mo sakanya.
Sa mga feeling super hero naman dyan, tigil mo yan! martir lang? Tch. tapos magmumukmok ka, ajuju, blabla, echos. Papa ka BATMAN ka dyan di mo mapanindigan! Aba, isip din kapag may time kaya nga binigyan tayo ni Lord ng utak. Paulit ulit tayo dyan eh, wag mag paka TH lalo na kung BH. Kuha mo?
Kung pilit mo namang pinagpipilitan na makikipag balikan ka kay EX. Fushaa! ka naman friend, BOBO din? Sabihin nating mahal mo sya pero MAHAL KABA? hayy, That's why aliens don't talk to us. Jk, pero tigil mo na ang paghabol di ka naman aso na may amo eh. Lalo na kung alam mo namang may iba na, Jusmiyo! muka ka lang asong ulol kung ganon. Maghintay ka, wag mo ifast forward ang sarili mong lovelife. Kung di kapa nakaka move-on, wala ka pa ding choice, mag move on ng mag move on hanggang sa WALANG WALA na talaga, ako na nagsasabi sayo, nasasayo kung maniniwala ka. NAPAPAGOD DIN ANG PUSO. Makakahanap kapa ng mas deserving.
Hanggang dito na muna. Magbigay kayo ng topic! ;))) VOMMENT na din kayo para masaya. Salamat! :DD
Sana nakatulong sa mga "BROKEN HEARTED" dyan.