"Okey. Welcome!!" Sabay nilang sabi at inilabas ang water gun nila na may laman palang pintura at ibinaril sakin."Nampuchak!!!" Sigaw ko sabay harang ng braso sa mukha. Nakakapang-init ng ulo 'tong kambal na sakit na 'to.
Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.
Bata yan. Kailangan ko ng pera kaya habaan ang pasensya. Lalong nakakaasar tawa pa sila ng tawa. Mga spoiled brat.
"Hey! Anak ng tupa naman di ako ready. Time out muna." Pang-uuto ko dito. Parang walang narinig ang kambal na sakit. At ang masaklap tawa pa ng tawa. "Oy tama na." Hay salamat tumigil din.
"Lumayas kana dito. We dont need you." Sabi ni Sick na Nakataas ang kilay. Aba maldita to ah.
"Hindi naman pwede yun Sick kailangan ko kasi ng trabaho walang kakainin ang mga magulang at mga kapatid ko pag umalis ako." Mahinahon kong sabi sa kanya."We dont care about your parents or your siblings. Let's go princess." Seryosong sabi ni Ill sabay hila kay sick. Inglesero yun ah. Tssk. Mukhang mas malala pa 'to sa dating inalagaan kong si Macoy, buti pa si Macoy purong tagalog.
Pumasok nako sa loob."Jusporsanto!!! Thea, hija anong nangyari?? Kaya walang tumatagal na yaya ang mga batang iyon dahil ganyan ang ginagawa. Pagpasensyahan mo na huh."
"Wag po kayong mag-alala ayos lang po ako. Maliligo po muna ako." Pagpapaalam ko.
Nakakaloka ang kambal na yun. Pero hindi ko sila susukoan dahil bukod sa kailangan ko ng pera para sa pamilya ko, mukhang kelangan din matuto ng mga batang yun.
Matapos kong maligo dumeritso nako sa kusina para kunin ang advance payment ko at makapagpadala kay mamang.
Matawagan nga si mamang miss ko na sila.
"Hello mang, nakuha nyo na po ba yung pinadala ko?"
"Oo anak, salamat huh? Ipache-check-up ko na agad ang papang mo. Papunta na kami sa center ngayon nak"
"Sige mang. Ingat po kayo. Patayin ko na din po itong tawag ko at kelangan ko na pong bumalik sa trabaho.
_________________
"Thea, okay ka lang ba hija?" Bungad sakin ni nana sabel.
"Oo naman po. Ngayon alam ko na po kung bakit malaki ang sweldo ko." Natatawa kong sagot kay nana sabel.
"Nako thea, sana ay mapagtiyagaan mo yang mga bata."
"Kakayanin ko po. Sige po nana, puntahan ko na yung kambal".
"Mamaya mo na sila balikan ipapakilala muna kita sa iba pa nating kasama dito sa bahay. Halika sumunod ka sakin." Naunang maglakad si nana at sumunod na lang ako mamayabmaligaw pa ako dito.
"Nana kelan ko pwedeng makuha yung advance ko? Kelangan na po kasi ng tatay ko eh." Nahihiya man ako ay pinaalala ko pa din kay nana sabel.
"Nako mamaya pa pagdating nina sir at mam. Kakausapin ko sila. Naroon sila sa kubo" turo nya sa mga babaeng nakaupo sa kubo.
"Nana Sabel yan na ba ang bagong yaya nung kambal?" Tanong agad nung babaeng maliit na payat. Mukhang nasa 25 na ang edad nya base sa itsura nya "Ako nga pala si minda ako ang labandera dito" nakangiti at kumaway pa.
"Ako si Chlorothea Maigue. Thea for short."
"Ako naman si Loleng. Ako ang cook dito." Nakangiti ding pakilala nya. Si loleng ay mataba na maiksi ang buhok at may bangs pa. Mukha syang mabait katulad ni minda.
"Thea, may pagkakataon ka pang mag back out. Kung ako sayo umalis kana. Hahaha. Joke lang" Tinawana ko lang sya.
"Pinasiklaban nako nung kambal kaya alam ko na ang ibig nyong sabihin. Wala yun kaya ko yun." Mayabang ko pang sagot sa kanila.
"Mamaya nako magkwentohan dyan balik muna sa trabaho." Awat ni nana sabel.
------TBC-----