Chapter 1

22 4 0
                                    

Kahit kelan napakahirap maghanap ng trabaho. Halos nalibot ko na lahat wala namang mapasokang maayos. Nakakapagod na. Hay naku. Kinapa ko ang bulsa ko.

"Bente na lang ang pera ko. Kailangang makahanap na ako ng trabaho, bago gumabi kundi kay tata Ter nanaman ako makikitulog. Pakshet na buhay to.---"

Hahahahahahaha. (Ring tone po yan pasensya taghirap sa sound effect)

Calling mamang

"Hello mamang?" Pinasaya ko ang boses ko. Para hindi halatang gutom at pagod dahil sa dalwang malaking bag na dala ko.

"Anak, ano nakahanap kana ba ng trabaho? Kumusta kana? Kumain kana ba? Wag mong pagodin ang sarili mo. Sinabi ko naman sayo hindi mo na kelangan huminto sa pagaaral--"

"Mang, ano ka ba naman po. Ayaw ko namang si Neneng ang huminto sa pag aaral Grade 12 na po yan sa pasokan. Hindi naman po ako papayag na magtatrabaho ka mula alas singko ng umaga hanggang ala una ng madaling araw, mang. Hindi na po kayo pabata, mang. Isa pa po eh may sakit si tatay. Basta mang akong bahala okey?" Naalala ko nanaman ang kalagayan namin. Nakakapanghinayang man na tumigil ako sa pag aaral kelangan ko pa ding tumulong sa pamilya ko.

"Osya. Basta ingatan mo ang sarili mo dyan Chlorothea huh. Babay." Narinig ko pang suminghot si mamang bago patayin ang tawag. Napapikit na lang ako.

"Kaya ko to! Para saan pa't naging isa akong Maigue kong magpapatalo ako sa problema. Hindi paghahanap ng Trabaho ang mag papatumba sa isang Chlorothea Maigue." Kinuha ko ang baon kong tubig at uminom. Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang braso. Hingang malalim. "Sinimulan mo ng maglakad Chlorothea dahil walang paa ang trabaho para lumapit sayo."
Lakad lang ng lakad thea hanggat may lupa.

"Wanted Yaya." Basa ko sa karatulang nakapaskil sa gate ng isang napaka gandang bahay. Kung sineswerte ka nga naman walang ibang requirements ang kailangan. Tumakbo agad ako at lumapit sa guard.

"Kuya? Magaapply po sana ako bilang yaya--"

"Halika neng pasok ka. Sandali lang huh. Tatawagin ko lang yung mayordoma ng bahay." Mukhang siniswerte talaga ako. May kinausap si kuyang guard sa parang telepono. Maya maya eh may lumabas na babaeng halos kaedad ni mamang ko. Sya na yata ang mayordoma ng bahay.

"Magandang tanghali ho." Bati ko sa matanda. Ngumiti sya. Mukhang mabait. Siniswerte talaga ako.

"Magandang tanghali rin sayo. Halika doon tayo mag usap tungkol sa mga gagawin at mga patakaran sa trabaho mo."

"Ibig pong sabihin eh tanggap nako?" Nakangiti kong tanong

"Oo. Kailangan na kailangan kasi ng yaya dahil umalis na ang dating yaya nung isang araw. Ano bang pangalan mo hija?" Mabait nga sya.

"Chlorothea Maigue po. Thea na lang po para maiksi." Napakalaki at napakaganda pala talaga ng bahay nato pero may kakaiba.

"Tawagin mo na lang akong Nana Sabel. Dalwang bata ang aalagaan mo kambal sila. Isang lalaki at isang babae. 30,000 ang sweldo mo. Buwan buwan. Libre lahat. Wala kang ibang gagawin kundi mag alaga lang. Sana tumagal ka hija. Pang singkwentang yaya ka na. Lahat eh hindi nagtagal ng isang linggo." Malungkot sa sabi ni Nana Sabel.

"30,000? Ang sweldo ko? Mag-aalaga lang po ba talaga ako?" Nakakagulat naman mukhang mahirap nga to. Pero kaya yan.

"Tinaasan talaga ang sweldo para may magtiyaga hija. Hayy buhay. Nagdadalwang isip kana ba?"

"Naku hindi po. Ako pa Madali lang po yan sakin." Mukhang may mga attitude problem nga ang mga aalagaan ko.

"Naku hija nasasabi mo lang yan dahil hindi mo pa sila nakakaharap." Medyo alangan nyang sabi sakin.

"Nana, hindi lang po ito ang unang beses kong maging yaya. Kaya po wag kayong mag-alala. Yakang yaka yan. Pero pwede po bang mag-advance ng sweldo kailangan na kailangan po ng pera ng pamilya ko eh. May sakit po kasi ang tatay ko." Sana pumayag. Kailangan ng gamot ni tatay at kailangang maipacheck up.

"Pwede pero ihahatid muna kita sa magiging kwarto mo chaka kumain kana din muna." Napakabait talaga ni Nana.

"Pwede po bang magpasama hindi ko po kasi alam ang padalahan dito." Nakakahiya naman pero kakapalan ko na ang mukha ko.

"Osya. Mamaya na, magpahinga ka muna at kumain." Nagsimula ng maglakad si Nana kaya sumunod nako. "Napakaganda naman po talaga ng bahay na ito pero kanina ko pa po napapansin na ang lungkot ng awra nito. Parang may kulang." Sabi ko kay Nana Sabel.

"Ito ang magiging kwarto mo hija." Di ko namalayan nandito na pala kami sa magiging kwarto ko. Ang ganda kahit ang liit.

"Ilagay mo na ang mga gamit mo pagkatapos ay pumunta kana sa kusina at kumain. Maiwan na kita." Anong nangyari dun kay Nana? Bigla nalang nawala sa mood.

Bayae na nga. Tatawagan ko muna si Mamang.

"Hello.Mang? May trabaho na po ako!!" Masayang sabi ko sa kanya.

"Diyos ko Salamat po!! Ano ba ang napasokan mong trabaho huh anak? Naku baka kung ano yan huh?" Sabi naman ni mamang mula sa kabilang linya.

"Secret po. Mamaya po ay magpapadala ako dyan. Ipacheck up mo na po si Papang at bilhan ng gamot."

-----------------

"Thea, hija halika sa taas naroon ang mga aalagaan mo. Ipakikila kita sa kanila." Sabi ni Nana Sabel. Tumango at sumunod nako sa pag akyat nya sa hagdan. Naku nararamdaman ko ng may mangyayaring hindi maganda. Tumigil si Nana Sabel sa tapat ng pintoan, ngumiti ng alanganin sakin at dahan dahang binuksan ang pintoan.

"Sick? Ill? Mukhang nasa likod ng bahay ang mga bata." Sabi ni Nana Sabel.

"Mukhang pinagisipan pong mabuti ang mga pangalan nila 'no? Kambal na sakit." Bulong ko.

"Hahaha. Sakit talaga sa ulo. Tara na puntahan mo na natin sina Sick at Ill" Tatawa tawang sabi ni Nana Sabel.

"Sick at Ill lang po ba talaga ang pangalan nila? O Nickname lang nila yun?" Tanong ko kay Nana habang naglalakad kami papunta sa likod bahay.

"Shailee Ian Casey Kate at Ivo Leigh Lexus talaga ang pangalan nila." Sagot naman ni Nana.

"Bakit naman po ang haba ng pangalan nila? Jusmeyoperdon!!"

"Shailee lang sana ang pangalan nung bata eh gusto ng lolo na lagyan ng Ian tapos nalaman pa na hindi na ulit pwedeng manganak si Sierra kaya idinagdag nya yung iba pang gusto sana nyang ipangalan sa magiging anak nya kaya naging Shailee Ian Casey Kate. Yung kay Ill naman yung Ivo galing sa name daddy nya. Yung Leigh naman sa name ng mama nya yung Lexus sa isa pa nyang lolo." Sagot ulit ni nana.

"Adios patria adorada!! Nakakahilo naman talagang tunay." Nandito na pala kami likod bahay.

"Sick? Ill? Halina kayo at ipapakilala ko kayo sa bago ninyong Yaya." Tawag ni Nana sa dalwang batang naglalaro. My goodness!! Kagandang lahi ng mga batang to. Tumakbo naman ang mga bata palapit samin.

"Sick, Ill sya si Ate thea nyo. Maiwan ko muna kayo dito huh?" Paalam ni Nana Sabel.

"Ikaw si Sick tama ba ako?" Nakangiting tanong ko sa batang babae na walang ekspresyon ang mukha. "At ikaw naman si Ill?" Bumaling naman ako sa batang lalaki na nakaSmirk. Sabay lang silang tumango. "Ako naman si Chlorothea. Ate thea na lang ang itawag nyo sakin."

"Okey. Welcome!!" Sabay nilang sabi at inilabas ang water gun nila na may laman palang pintura at ibinaril sakin.

--------------TBC--------



True Love Never Dies.Where stories live. Discover now