Ang Sakit Lang

81 6 4
                                    

Ang sakit lang na makita kang kasama mo yung kaibigan ko.Ang sakit sakit lang.

“ChaCha,anong ginagawa mo?"tanong mo sakin.

“Hoy,Charisse ang pangalan ko,BlaBla!"

Ang cute ng tawagan natin no?BlaBla at ChaCha?Isa yan sa mga na-miss ko.

“Ano nga ulit yang ginagawa mo?"

“Ahh!Wala lang to,Blake.Dun ka na!"pinaalis na kita kahit ayaw ko.Gusto ko kasing maging suprise tong letter na ibibigay ko sayo.Sa pamamagitan nitong letter na to ay mapapaalam ko sayo na gusto kita,na hinahangaan na kita dalawang taon na.

“Okay."ngumiti ka sakin at iniwan na ako.Di ko mapigilang ngumiti dahil sa simpleng ngiti mo pa lang parang nabuhay ang katawan ko.

Tinapos ko na itong sulat ko para sayo.Pagkatapos ay hinanap na kita,kung saan saan ako naghanap pero di kita mahanap.At nalaman ko na lang na magkasama kayo ng kaibigan ko,si Hailey.

Napag-isipan kong ibigay na sayo ito ng may lakas na ng loob ako.Naalala mo noong P.E time?Dun ko balak ibigay tong sulat ko para sayo.Pero pitong salita ang gumuho ng mundo ko.

“Tulungan mo naman akong mapalapit kay Hailey."

Hindi ko inaasahang sasabihin mo yan.Sa sakit na nadarama ko ay tumakbo ako palayo.Palayo sayo.Alam kong naguguluhan ka sa mga aksyon ko.

Simula nang sinabi mo yun,sinimulan ko ng iwasan ka.Nasaktan ako eh.Naguluhan ka pala sa nangyayari sa friendship natin sabi ng isa sa mga kaibigan natin.Pero ng magkalakas na akong ng loob na i confront ka bigla ka na lang nanlamig sakin.Hindi mo ako pinapansin,wala ka ng pakialam sakin.

Noong natapunan ako ng juice sa uniform,wala ka,inasahan kong lalapitan mo ako pero hindi mo ako pinansin samantalang noon ikaw pa ang unang lumalapit sakin para awayin yung tumapon ng juice sa uniform.

Busy ka kay Hailey eh!Busy ka sa kanya!Nakakabwiset sya!!Bakit ka nya inagaw sakin?

Dati,buong araw tayong magkasama pero ngayon?Si Hailey na ang kasama mo!!Siya na ang kasama mo!Siya na ang nagpapasaya sayo!Siya na ang bukam-bibig mo!!SIYA NA LANG LAGI!!

Ano ba ang di mo maintindihan,Blake?!Kung masaya ka na nasasaktan ako?Sige!!Iiyak ako ng hindi mo nakikita!Ginawa mo akong tanga!Tanga na umasa pa ako na magle-level up ang friendship natin!Tanga ako!Napaka-tanga ko!!

Tapos isang beses narinig ko pa ang usapan nyo ni Hailey.

“Blake,bakit di mo na pinapansin si Charisse?"

“Ayoko na sa kanya!"

“Bakit?Nagustuhan mo ba sya?"

“Nope.Isa lang syang kaibigan ko!"

“Paano kung may gusto sayo si Charisse?"

“LUH!Di pwede!Kaibigan ko lang yun."

Biglang gumuho ang mundo ko!Di ko namalayang tumulo na naman ang luha ko.Ang sakit kasi na isa lang akong decoration sa buhay mo.

Ang sakit lang na itrato mo ako ng ganun!Ang sakit lang na wala akong silbi sayo!Ang sakit lang na mahal mo sya!Ang sakit lang na nakikita kayong masaya sa isa't isa!Ang sakit lang na sya ang bukam-bibig mo!Ang sakit lang na napakatanga ko!Ang sakit lang na iniwan mo lang ako sa ere!Ang sakit lang.....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

“Ang sakit lang na nahulog ako sayo kahit alam kong wala naman akong pag-asa dahil may mahal kang iba!"

Ang Sakit Lang (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon