Ako si Miles, nagmula sa mayamang angkan ng Fontanilla.
Nag iisang anak na babae. Prinsesa sa pamilya.
Fourteen years old and Sophomore student sa Academia de Fontanilla. Yes sa amin ang school na 'yun.
One thing I like sa school na 'yun is.. no s...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I'm Sam Vincent Rodriguez, taga pag manang anak nina Christopher at Ciara Rodriguez.
Ang susunod na tagapamahala ng CandC Shipping Corp. at ng Rodriguez Co.
Isang babae lang ang gusto ko, siya at siya lang. Gagawin ko ang lahat mapa sa akin lang ang gusto ko.
I'm fourteen years old. Sophomore student ng Academia de Fontanilla.
You can call me Sam and don't mess with a Rodriguez.
----
"Okay Class do you have representatives para sa pageant natin?" tanong ni Ms. Ella
Malapit na nga pala to' di ko to hilig pero may naisip akong plano kung paano ako mapapalapit kay Miles
"Sam can you be our King for this pageant?" tanong ni Ms. Ella
Tignan mo nga naman, iniisip ko pa lang ang plano ko pero umaayon na sa akin ang mundo.
"Sure Miss, but in two condition" naka ngisi kong sagot
Gulat naman ang makikita mo sa mata ng mga kaklase ko.
"What is it Sam?"
Lumapit ako sa harapan at ngumiti.
"Papayag ako kung ako ang pipili ng aking Queen at kung papayag siya, sige payag ako." sabi ko
Nakita ko sa mata ni Lorraine ang pag asang siya ang tinutukoy ko, lalo pa at nag sigawan sa kilig ang mga nasa classroom
Ayoko ng paasahin si Lorraine dahil di ko naman talaga siya gusto, isang beses ko lang naman siyang pinakausapan na pag selosin namin si Miles pero pinag kalat na niyang may relasyon kami.
Biglang pumasok si Miles sa classroom at....
"Kassandra Miles Fontanilla will you be my Queen?" sambit ko sa kanya habang papalapit sa inuupuan niya
"Ayiiiiiie!" "Go na girl bagay kayo ni Sam" sambit ng mga kaklase namin.
Nakita kong namumula ang pisngi ni Miles, na nanatili itong nakatayo at tinignan ako ng 'what' look.
"Ahmm Sam sorry wala akong hilig sa mga ganyan ganyan, bakit di mo tanungin ang girlfriend mo?" relax nitong sabi
"Girlfriend huh? I'm single Miles."
Gulat naman ang mata ni Lorraine nung narinig niya ko.
"Really? But did you ask Lorraine kung payag siyang maging kapareha mo ako?" tumatawa niyang usal.
"Why should I? Di naman kami magkarelasyon" I smirked as I said my words.
"Then it's a yes." masayang sagot ni Miles
"Ok class let me officially introduced to you our representatives for the up coming pageant of our school. Our Queen and King, Ms. Fontanilla and Mr. Rodriguez" masayang pakilala ni Ms. Ella
Di naman tumayo si Miles para pormal na humingi ng suporta, parang may iba sa kanya kahit pa tinanggap niya ang alok ko. Hindi niya ba talaga ko gusto?
----
Miles' POV
Galing ako sa meeting ng Student Council kaya medyo nahuli ako ng konti sa klase ni Ms. Ella
Dahan dahan sanag akong papasok para di maka istorbo, pero nagulat naman ako sa nangyari.
"Kassandra Miles Fontanilla will you be my Queen?" tanong sa akin ni Sam na ikinapula ng mukha ko
"Ayiiiiiie!" "Go na girl bagay kayo ni Sam" sambit ng mga kaklase namin.
"Ahmm Sam sorry wala akong hilig sa mga ganyan ganyan, bakit di mo tanungin ang girlfriend mo?" kinakabahan kong sabi sa kanya ngunit hindi ko ito pinakita
"Girlfriend huh? I'm single Miles." mayabang nitong sabi sa akin
Gulat naman ang mata ni Lorraine nung narinig niya ang sinabi Sam
Nakaisip ako ng pang bawi sa ginawa niya sa akin sa CR noong isang linggo.
"Really? But did you ask Lorraine kung payag siyang maging kapareha mo ako?" tumatawa kong tanong sa kanya
"Why should I? Di naman kami magkarelasyon" he smirked as he said his words.