Chapter Seven

1 0 0
                                    

Miles' POV

Buwan at taon na din ang lumipas simula nang maging close kami ni Sam.

Dumaan ang Junior and Senior Prom na kami ang magkapareha.

At ngayon...ay

Graduation na namin. Si Coleen ang 1st Honorable Mention, Ako naman ang Salutatorian at ang Valedictorian namin ay si Sam.

Si Coleen ay baka sa ibang bansa mag aral, gusto daw niyang makasama si Drake pero kami lang ang nakaka alam ng plano niyang yun.

Gusto ko din mag aral sa ibang bansa, pero gusto ko din dito. Hinihintay ko na lang ang reply ng mga inapplyan kong school

Si Sam dito pa rin sa school namin mag aaral ng kolehiyo, pagkatapos niyang mag aral tsaka siya mag di-decide kung susunod ba siya sa parents niya sa ibang bansa.

Kilala na ako ng parents ni Sam ganun din siya sa akin. Well hindi pa kami pero baka sagutin ko na din siya.

Nandito kami ngayon sa isang restaraunt kasama ang parents ni Sam na galing Canada at ang parents ko pati parents ni Cj

Natapos ang simpleng celebration at nag
hiwahiwalay na kami para umuwi.

----
After three days

Miles' POV

Natanggap ko na ang reply ng school na inapplyan ko, at lahat yun ay gusto akong kunin.

Kinulsulta ko yun kay mommy at sabi niya ako na daw bahalang mag desisyon.

Pumunta ako kila Sam para i-surprise siya. Nakita ko agad siyang palabas ng bahay niya at hinihila niya din si Lorraine palabas.

Napakunot ang noo ko sa nakita ko. Halatang nangungulit si Lorraine kay Sam, pero nagulat ako ng halikan ni Lorraine si Sam at hindi man lang inalis ni Sam ang labi ni Lorraine sa labi  niya.

Dali dali kong pinaharurot ang sasakyan ko palapit sa kanila huminto ako sa harapan nila at binusinahan sila.

Laking gulat ni Sam nang makita niyang ako ang laman ng sasakyan.

"Miles, let me explain." nag mamaka awang sambit ni Sam

Bumaba ako ng kotse ko

"Look who's here! Nasa akin pa din ang huling halakhak Kassandra" malanding sabi ni Lorraine

Di ko maintindihan ang nangyayari basta nakita ko lang na nag halikan sila.

Pinanatili kong kalmado ang aking sarili. At nag iipon ng pang bawi sa kanilang dalawa.

"Miles you know what, nakaka awa ka. Matalino ka pa man din pero di mo nagamit ang utak mo. Sam and I are dating while he is dating you." sambit ni Lorraine na nag palambot ng mga tuhod ko.

"Miles its not what you are thinking, please let me explain." niyakap ako ni Sam

Lalo akong nanghina sa ginawa niya. Inalis ko ang yakap niya. Di na ako nakinig sa paliwanag niya.

Lumapit ako kay Lorraine binigyan ko siya ng magkapatid na sampal.

*pak *pak

"How dare you!" Lorraine replied

Sasampalin na sana ako ni Lorraine pero pinigilan siya ni Sam at bago ako umalis sinampal ko din si Sam.

"Good thing hindi ako nahulog sa'yo mangloloko. Magsama kayo."

Sumakay ako ng kotse at pinatakbo ito ng mabilis.

Naririnig ko ang phone ko na tumutunog, di ko yun pinansin dahil si Sam yun.

Di ko napigilan ang pag iyak ko habang nag mamaneho

"Bakit ikaw pa. Akala ko totoo ka, nagkamali ako." sambit ko sa sarili ko habang nag mamaneho.

Sa sobrang stressed ko, di ko namalayan na may muntik na akong mabanggang sasakyan.

Hindi pala muntik. Tumama yung nguso ng kotse ko sa likuran ng kotse ng nasa harap ko.

Naloko na hala sabi ko sa isip ko, bumaba ako para mag sorry sa kanya. Nagulat ako ng makita ko si Drake na sakay sakay nun.

"Drake? Bakit ka nandito?"

"Hi cous go get your car and follow me, dun na lang tayo mag usapa wag dito sa highway"

Dali dali akong sumakay sa kotse ko ang nag maneho habang sinusundan si Drake.

*****

Kahit walang gustong magbasa ng istorya ko sa ngayon balang araw magusgustuhan niyo rin ito. 😊

Please read and support my story. Thank you

Lachubbylita 💋

All Rights Reserved.
2017

The Playful HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon