Hindi ko Krus ang Krus mo

46 0 0
                                    

Ang apat na elemento ng buhay

Ay mayroon lamang dalawang katangian

At iisang beses lamang itong pamimilian

Ng indibidwal man o isang samahan

Na tanging orasan lamang ang maglalaan

Kaibigan, kaibigan huwag ka ng magalinlangan

Huwag mong pansinin ang kalat sa iyong harapan

Bagkos tumingal at ito’y huwag titigan

Magpatuloy sa paglalakad sa bahaging kanan

At doon sa silangan kaliwanaga’y matatagpuan

Kaibigan ang mundo’y puno ng pagsubok

Kawangis ng hangin ang kasalanan sa pagbulusok

Sa mga mangyayari’y iwasang magpakapusok

Upang di makalikha ng anumang maitim na usok

At iyong masamyo ang nakasusulasok

Sa pagdipa mo’y wangis ang krus na pinasan

At binitbit sa bundok ng kamatayan

Na nagtiis sa hagupit ng kalupitan

Ng nilalang na nagligtas ng sanlibutan

Huwag na nating dagdagan ang bigat ng pasan kaibigan

Pakatandaan ang ating kasunduan

Ang lahat sa ati’y sa kanya ilaan

Upang maging handa espirito mat laman

At walang madarama ni anumang kahihiyan

sa oras ng pagdalaw ni kamatayan

Ngunit sa paglabag dito aking kaibigan

Tyak na mortal ang magiging kasalanan

At ungot ng espirito’y mapakikinggan

Sa dagat na apoy na puno kalungkutan

At si satanas iyo’y magiging kaibigan

Hindi ko Krus ang Krus moTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon