Chapter 2

2 0 0
                                    


Chapter 2

Natsu's POV

Uwian; agad na nagpaalam sa akin si Chris pagkalabas namin ng school. Rason niya na maaga siyang pinapauwi ng mama niya. Tango lang naman ako kasi 'yun naman parati ang sinasabi niya kaya hindi na ako gaanong naniniwala pero hinahayaan ko na lang siya.

Habang naglalakad pauwi at dumadaan sa may eskinita, pinapagalaw ko ang keychain na hawak ko gamit ang power ko.

I'm not worried if someone sees me do that since ako lang naman ang mag-isang naglalakad sa eskinita.

Papalubog na ang araw sa backdrop na nakakapagbigay ng kakaibang atmosphere sa paligid.

At ayan nanaman ang pakiramdam na may nakatingin sa akin.

Agad akong tumigil saka nagpalinga-linga sa paligid, nakakunot ang noo habang nakikinig ng kung ano mang tunog na pwedeng magawa ng sumusunod sa akin.

Sa kaliwa.

May narinig akong kaluskos sa may kaliwa ko kaya agad akong tumingin doon pero tanging asong kalye lang ang nakita ko na nangangalkal ng basura.

Bumuntong-hininga ako saka nagpatuloy na sa paglalakad. Lumiko ako sa isang intersection at sa hindi inaasahang pagkakataon (come on, I thought I'm the only one walking in this alley way!) ay may nakabangga ako.

Dahil sa hindi naman ako prepared para sa impact, ayun, bumagsak ako. Paupo akong bumagsak kaya ang pwet ko mostly ang nakarecieve ng force ng pagbagsak ko.

Para akong kinarma sa ginawa ko kay Chris kanina...

"Aray!" daing ko at muntik na akong mapamura kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko.

Masama ang tinging ibinigay ko sa bumangga sa akin na wala atang balak na tulungan akong makatayo o kahit simpleng sorry man lang!

Bwesit na 'to.

Seryoso lang na nakatingin sa akin ang nakabangga ko at wala talagang balak na tanungin man lang kung okay lang ba ako, na sigurado akong sasagutin ko ng pabalang.

"Hoy mister, hindi mo man lang ba ako tutuluyang makatayo?!"

Sigaw ko habang nakasalampak pa rin sa kalsada. Bahagyang kumunot ang noo niya saka kumibot sandali ang labi niya pero hindi nagsalita.

Ay ang galing naman.

"Lalaki ka naman, kaya mo na yan" sabi niya nang hindi manlang ako tinitingnan.

Lol.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Aba gago, ano naman kung lalaki ako? So hindi niya ako tutulungan dahil lang sa gender ko?

"Hoy!"

Sigaw ko dahil bigla na lang siyang tumalikod sa akin. Bastos talaga ng antipatikong 'to.

Naglakad na siya palayo kaya inis na tumayo ako saka nagpagpag ng pwet. Antipatiko, kapag nakita ko talaga ulit 'yun, masasapak ko 'yun.

Inis na naglakad na ulit ako pauwi ng bahay ko. Yes, bahay KO, dahil wala akong mga magulang. Hindi ko alam kung sino sila at okay lang naman sa akin although paminsan-minsan, napapaisip ako kung sino ba talaga sila at kung nasaan sila ngayon.

"I'm home."

Sabi ko pagbukas ko ng pinto ng bahay, bumungad sa akin ang katahimikan ng paligid kaya napabuntong-hininga na lang ako.

Yeah right, as if na may sasagot sa akin. That's wishful thinking Natsu, huwag ka nang umasa.

Napailing na lang ako saka nagkibit-balikat. Pumasok na ako sa loob saka binuksan ang ilaw gamit ang power ko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Treason's LoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon