Mr. TORPE - SHORT STORY

330 7 5
                                    

[ My Note: Hello po sa inyo!!!!! This is my first short story to published here in Wattpad.

Sana magustuhan nyo, sana magandahan kayo, sana mag-vote kayo at sana po mag comment kayo para po kung may suggestion kayo ay malalaman ko.

Ito po pala dapat yung isasali ko sa contest sa school namin, kaso ngayon ko lang natapos at hindi naman masyadong pang-contest ang gawa ko. hehehe Natapos/tinapos ko sya dahil narin sa mga nagsabi na tapusin ko. Si Kim na classmate ko at si JF na naging kaibigan ko dahil sa twitter at sana magkita na kami. Dinededicate ko ito kay JF. Salamat po sa inyo. Masyado na palang mahaba ang entrance speech ko. hahaha Chos lang. ^______^

Enjoy reading!!!!!! ]

"Hoy! Pinoy ako! Buo aking loob, may agimat ang dugo ko....Hoy!!! Pinoy ako!!! Buo aking loob, may agimat ang dugo kooo... ohhhh ohhh ohhh ohhh"

Nagising ako sa malakas na ingay na nanggagaling sa kapit-bahay. Ang aga-aga kung mag-patugtog ng mga lumang kanta wagas. Pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ko, kinuha ko agad ang litratong nakapatong sa maliit na lamesa sa gilid ng maliit kong kama. Litrato ng babaeng sikreto kong hinahangaan, sinusubaybayan, at minamahal. Binalik ko na din agad pagkatapos kong pagmasdan. Kuha ito na nakupo sya at nakangiti. Stolen shot ko iyon sa kanya at hindi nya ito alam. Para sa akin ito na ang pinaka-perpekto sa lahat.

Simula second year, na love at second sight na ako sa kanya. Oo, 'love at second sight'. Hindi ko akalain na sa pangalawang beses kong nakasalubong sya sa daan papuntang room ay titibok ang puso ko sa unang pagkakataon.

Simula nun, palihim ko syang sinusundan, inalam ang bawat impormasyon tungkol sa kanya, maliit man o malaki. Ginawa ko ang lahat upang mapalapit sa kanya, ngunit sadyang isa akong dakilang torpe kaya hindi ko magawang makausap sya.

Nasa section two sya, kaya nag-aral akong maigi para malipat sa section kung nasaan sya. Nagtagumpay naman ako, dahil nung third year na ako ay naging magkakaklase kami. Ngunit likas talaga na isa akong lalaking torpe. Ni lapitan sya hindi ko magawa, hanggang tingin nalang talaga ako sa kanya. Sa buong third year high school na kaklase ko sya, mas lalo ko pa syang nakilala, kahit hindi direktang mula sa kanya ang mga impormasyon na aking nalalaman. Mas lalo ko pa syang hinangaan.

Napag-alaman ko na hindi pa sya nagkaka-boyfriend.

Narinig ko pa na hindi pa daw pwede ang sabi ng nanay nya. Pagkatapos nalang daw nya sa pag-aaral ang pakikipagrelasyon. Hindi naman ako tsismoso, sadyang narinig ko lang iyon sa usapan nilang magkakaibigan.

Natuwa naman ako sa nalaman kong iyon at sa kabilang banda ay nakaramdam din ako ng pagkalungkot. Natuwa ako dahil alam ko sa sarili ko na may pag-asa ako dahil kaya kong hintayin sya hanggang makatapos sya sa kolehiyo at nalungkot ako dahil hindi ko alam kung mangyayari ba ang mga iniisip ko dahil hindi ako madapuan ng lakas ng loob na umamin sa kanya at lapitan sya.

Marami na akong nalaman tungkol sa kanya, pamilya, kaibigan, paborito at ugali. Kung ikukumpara mo sa pelikula parang isang detective ang aking katauhan. Dahil palihim kong inalam ang lahat ng iyon ng walang nakakaalam sa aking lihim na agenda.

Hanggang sa umabot na kami sa ikahuling baitang ng pagiging isang studyante sa high school. Kaklase ko pa rin sya, at mas lalo ko pa syang nakikilala, nagugustuhan at mas minahal. Mahal ko na sya, kahit na sabihin nating one sided love lang ito ayos lang sa akin. Basta lagi ko syang nakikita.

Hanggang ngayon, kahit minsan, kahit isang beses ay hindi ko pa rin sya nakakausap. Pero pag minsan nagkakatinginan kami, nagtatama ang mga mata namin, ngingitian nya ako at ako naman ay iiwas ng tingin. Hindi ko rin malaman sa sarili ko kung bakit ganun ang reaksyon na ginawa ko. Di ba nga dapat ay matuwa ako dahil nginitian nya ako, nginitian ako ng taong mahal ko, nginitian ako ng taong tatlong taon ko nang sinusubaybayan ng palihim. Pero bakit ganoon, pinangungunahan ako ng kaba sa dibdib ko. First time ko kasi ito, sa kanya ko naranasan ang mga unang beses ko palang na nagawa o naramdaman. Sya ang una ko, at sa tingin ko sya narin ang magiging huli ko.

Mr. TORPE - SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon