Mabuti nalang at dala ko ang kotse ko ng pumunta ako ng prom at hindi nakisabay kanila Warren. Madali akong nakaalis sa venue nang hindi nila alam. Sa totoo lang, hindi naman talaga si Czerinna ang kadate ko sa prom. She rejected me.
Agad akong pumunta sa tapat ng bahay nila Erin. Pagbaba palang ng kotse ay iniimagine ko na kung anong magiging reaksyon niya pag nakita niya ako dito. Chinat ko siya para pababain at agad naman siyang sumunod.
Kinuha ko ang corsage at ang invitation para prom sa loob ng coat ko.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya habang naglalakad palabas ng bakod nila.
"Ang boring pala ng prom pag wala kang kadate." sabi ko at kinuha ang kamay niya. Ikinabit ko naman sa pulsuhan niya ang corsage na dala ko.
"Ba't nandito ka? Di ba kadate mo si Czeri---"
"She rejected me. Happy ka na?" I asked and smiled at her. "Nakalimutan mo na ba yung pinangako ko sa'yo noon. Ikaw lang ang magiging date ko sa prom."
"Lucky---"
"And my prom is wherever you are." inabot ko ang kamay ko kanya.
Para kaming baliw dito dahil sumayaw kami ng walang tugtog. Namumula naman ang mukha ni Erin.
"Baka makita tayo ng iba. Baka sabihin nila nababaliw na tayo." sabi niya.
"Anong oras na kaya. Siguradong tulog na yung mga yun." sabi ko at patuloy pa rin siyang isinasayaw.
Binalot ng katahimikan ang paligid. Malalim kong iniisip kung aamin ba ako sa kanya o hindi. Hindi ko alam kung anong mangyayare sa susunod na araw. Hindi ko sigurado kung makakasama ko pa siya ng matagal. Pero binabalot pa rin ng pag-aalangan ang puso ko kaya't naisip kong huwag muna ngayon.
I stayed there for 20 minutes bago umalis. Baka hanapin ako nila Warren doon. Iniwan ko ang corsage at ang invitation sa kanya.
"That will be your souvenir. Hindi ka man nakasali, atleast nakasayaw kita." sabi ko at nagpaalam na sa kanya.
My heart was filled with happiness. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na para bang lalabas na ito. This is the only thing I want to do for her. Hindi ko man siya mapilit na sumama, nakasayaw ko naman siya at naiparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa o nagkulang sa kahit anong bagay.
BINABASA MO ANG
erin ; k.th + k.js
Short Story"I'm Lucky and I'm inlove with my bestfriend" epistolary #1 + kim taehyung × kim jisoo Highest rank: #32 in Short Story Book 1 Date Started: 03182017 Date Ended: 04242017