070 | Narr. | Finale

981 39 12
                                    

Gaya ng usapan namin ni Erin, nagkita kaming dalawa bago ako umalis. Bukas ng madaling araw ay aalis na ako. 

Pumunta ako sa bahay nila at doon nalang kaming dalawa nagkita. Gusto ko rin kasing makapagpaalam KUNO kay tita.

"Mukhang matutuloy na talaga ang plano niyong pag-alis, Lucky." saad ni tita ng dumating ito sa sala mula sa kusina.

"Opo, ayaw na po nilang magpapigil." sagot ko. Sa totoo lang hindi talaga ako marunong umarte ng ganito. Mukhang tinalo pa ako ni tita.

"Buti naman at napadalaw ka dito bago ka umalis." 

"May kukunin po sana ako dito. Kailangan ko pong dalhin sa US." sabi ko. Napansin ko namang nag-iba ang reaksyon sa mukha ni Erin. Mukhang naguluhan siya sa sinabi ko.

"Tara! Mag tanghalian muna kayong dalawa." tumayo si tita at hinila ako papuntang kusina para kumain.

Pinipilit kong kumalma. Ano mang oras ay maaari nang sumabog ang puso ko sa sobrang lakas ng kalabog. Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayare.

"Iiwan ko muna kayong dalawa. May bibilhin lang ako sa labas." sabi ni tita at lumabas ng bahay.

"Ba't ganyang ang itsura mo?" tanong ko nang makaalis si tita. Imbis na sumagot ay yumuko lang siya.

"May problema ba?" tanong ko. Hindi parin siya tumitingin sa akin kaya't hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at iniangat ko. "Tell me,"

"Hindi ko lang mapigilang malungkot." hindi na ako nagsalita at niyakap siya ng mahigpit. Bakas sa boses niya na gusto na niyang umiyak pero pinipigilan niya.

"Alam kong hindi naman tayo mawawalan ng connection pero natatakot pa rin ako. Paano kung makahanap ka ng iba?" natatawa akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya at hinarap siya. "Bakit? Anong nakakatawa sa sinabi ko? Marami kayang magaganda sa US." 

"Ba't ako maghahanap ng maganda doon kung nasa akin ka naman na. Walang binatbat yung mga iyon sayo."sagot ko at ngumiti.

Muli kong nakita ang ngiti sa mukha niya kaya naman nakampante na ako. Mukhang wala nga siyang ideya sa mga mangyayare.

Nagsimula na kaming kumain. Sabi nga nila, masamang pinaghihintay ang grasya. Kwentuhan at tawanan ang maririnig mo sa loob ng bahay nila. Mukhang sinusulit niya ang oras na magkasama kami. Kahit na inaantok siya dahil sanay itong matulog tuwing hapon, hindi pa rin siya umalis sa tabi ko at pilit na nilalabanan ang antok.

"Sigurado ka bang ayaw mong matulog? Hikab ka ng hikab dyan." tanong ko pero umiling lang siya at patuloy sa pagkukwento niya.

Nang magsawa na siya sa kakakwento ay nagyaya naman siyang manood ng movies. Mukhang hiniram niya pa kay Alice yung flash drive na may lamang mga movies.

"Anong gusto mong panoorin? Action, Romance o Animation?"

"Trolls!" sagot ko at itinuro ito nang makita ko ito sa screen ng tv nila.

Agad niya itong hinahap at nagstart na ang palabas. Halos pinagkakasya namin ang aming sarili sa pagkakahiga sa sofa. Masikip man para sa aming dalawa pero kung titignan ay komportable siya na nakayakap pa.

Nasa kalagitnaan na kami ng palabas nang makita kong tulog na pala siya. Pinatay ko na ang palabas at aalis sana sa tabi niya pero mas humigpit ang yakap niya.

"Dito ka lang." sabi niya. Hindi na ako umalis at hinayaan na lamang siya. Mukhang komportable na siya. Halos ilang oras din kaming ganoon dahil hindi pa siya gigising kung hindi dadating ang pinsan niyang maingay.

"OMG! Anong ginagawa niyo diyan?" sigaw nito sa aming dalawa. Dahil sa inis ni Erin ay binato niya ito ng unan na inilagay ko sa ulo niya.

"Kabata-bata mo pa pero ang dumi na ng utak mo. Ganyan ba ang itinuturo sa inyo ng mga madre sa school niyo?" padabog niyang saad at umupo.

Mukhang mag aaway na naman silang dalawa. Buti nalang at dumating si tita at inawat silang dalawa. Pareho pa namang amazona ang dalawang to at siguradong mahirap awatin kung hindi ka marunong.

Pinagmerienda muna kami ni tita bago ako umalis. Maaga pa daw kasi akong matutulog kaya dapat ay maaga akong uuwi. 

Tumingin ako kay Erin at mukhang bumalik ang malungkot na reaksyon sa mukha niya. 

Hindi katulad kanina, tahimik lang kaming kumakain. Tanging ang ingay lamang ng mga kubyertos ang maririnig mo.

Pagkatapos magmerienda ay nagpaalam na ako kay tita.

"Tita, aalis na po ako. Baka hinahanap na ako sa bahay." sabi ko at napatigil naman siya sa ginagawa niya.

"Teka lang, may ipapadala ako sayo." saad nito at agad na tumakbo papunta sa kwarto. Maya maya ay lumabas ito na may dalang mga bag.

"Ma, anong gagawin niya diyan?" naguguluhang tanong ni Erin at humarap sa akin.

Nanatili lang akong nakangiti sa kanya. Inilagay naman ni tita ang mga gamit sa loob ng sasakyan ko. Si Erin ay nakatingin lamang sa ginagawa ni tita.

"Tara na!" sabi ko kay Erin at iniabot ang kamay ko.

"Ha? Saan tayo pupunta?"

"Akala ko ba natatakot kang baka hindi na tayo magkita. Tara na! Isasama kita sa US. Para narin alam mong hindi ako maghahanap ng iba. Para rin hindi ka na malungkot. Kanina pa nakabusangot yang mukha." bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa mga narinig niya.

"Teka, paano---"

"Tara na!" sabi ko at hinila siya papunta sa kotse ko.

Nung una akala niya ay nagbibiro ako hanggang sa ipinakita ko lahat ng mga papeles na kailangan niya para makasama sa akin.

"Paano---"

"Nakalimutan mo na ba kung sino ang boyfriend mo?" tanong ko sa kanya at mahinang tumawa dahil sa naging reaksyon niya.

-

Nasa airport na kami at kasama namin sila Dexter na kanina pa parang mga baliw na iyak ng iyak.

"Mamimiss namin kayo!" sigaw ni Warren na parang bata.

"Sis, ingat ka dun. Ikaw, Luciano, bantayan mo 'tong babaeng 'to. Pag 'to nawala sa US, papasalvage kita," banta ni Jen sa akin.

"Anlakas din ng loob mong bantaan siya sa harap ng pamilya niya." sambit ni Alex na tahimik na umiiyak sa isang tabi.

Lumapit sa amin si mom para sabihin na kailangan na naming umalis. Nagpaalam na kami sa kanila at nagbilin ng mga kung ano-ano. Magkahawak kamay kaming naglakad palayo sa kanila na ikinagalit nila. Mga bitter talaga tong mga balugang to.




erin ; k.th + k.jsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon