JADEN ARRELLANO
Ako si Jaden Arellano Senior Highschool na ako sa Crystalien National High School. Panganay ako sa tatlong magkakapatid
"Jaden Gumising ka na may pasok ka pa" Malambing na sabi ng aking pinakamamahal na ina na si Nora
"Opo inay" magalang na sagot ko sa kanya
Agad akong bumangon sa kama at nag tungo sa banyo upang maligo. Ilang linggo nalang ay ga-graduate na ako ng high school na syang nagpapasaya sa akin, sa wakas mag ko-koleheyo na ako sa susunod na pasukan.
Pagkatapos kong magbihis ay agad akong pumunta sa hapagkainan, nandoon na ang dalawang kapatid ko na sina Angela at Anamie.
"Kuya kumain ka na para sabay na tayong pumunta sa school" sabi sa akin ni Anamie ang pinaka bata sa aming magkakapatid
"sige" sagot ko at agad na umupo upang kumain.
"Inay gusto ko po sanang makapasok sa koleheyo" agad na nalungkot si inay nang marinig ang sinabi ko.
Batid ko kung anong ikinalulungkot nya, mula pagkabata ay lumaki na ako sa hirap at batid ko kung gaano nag sasakripisyo si inay para lang makapag aral kaming magkakapatid sa mataas na paaralan.
"Inay wag po kayong mag aalala, sisiguraduhin ko pong magiging scholar ako" ngumiti ako kay inay at matamis na ngiti din ang itinugon nya sakin.
Gustong-Gusto kong makapag aral at makatapos ng koleheyo para mairaos ko sa panga ng kahirapan ang aming pamilya, gusto kong makatamasa ng kaginhawaan si Inay bago man lang sya mawala sa mundong ibabaw.
pagkatapos naming kumain ay sabay na kami ng mga kapatid kong maglakad papasok sa skwelahan.
Pagkapasok ko sa room namin ay agad na bumati ang mga kaklase ko sakin maliban nalang kila Robin, mula pa nung unang baitang ay mainit na ang dugo nya sakin at di ko batid kung anong kasalanan ko sa kanya.
"Magandang umaga mahal" bati sakin ni Stella, ang nobya kong minamahal, tatlong taon na kaming magkasintahan at kahit kailan ay di kami nagkakalabuan.
"Magandang umaga din sayo mahal"
magkatabi kami ni Stella ng upuan kaya sabay na kaming umupo. Maya maya ay pumasok na ang Guro namin para sa araw na ito, Mabilis lumipas ang oras hanggang sa dumating na sa uwian.
Inihatid ko sa labas ng gate si Stella pagkasakay nya sa sasakyan nila ay napagpasyahan kong antayin nalang ang mga kapatid ko, babalik na sana ako ng skwelahan nang mamataan ko si Robin na kausap ang Papa nya.
Tatalikod na sana ako sa kanila pero hindi ko nagawa nang nakita kong sinampal si Robin ng tatay nya, lalapitan ko sana sila ngunit di ko nalang tinuloy ayokong makialam sa usapang mag-ama.
"Wala ka talagang kwenta, ang Bobo mong bata ka" Narinig kong sigaw ng tatay ni Robin bago ako nakapasok sa loob ng skwelahan.
Hindi totoong Bobo si Robin sa totoo nga nyan ay sya lagi ang pumapangalawa sa rankings sa section namin.
"Kuya halika na po" masayang sabi ni Angela.
nauna silang dalawang naglalakad papalabas ng school nakasunod lang ako sa likod nila.
Pagdating namin sa bahay ay nakita naming nag rerepack si Inay ng mga mani at chicharon. Agad ko syang nilapitan para magmano at tulungan sya.
"Ako na dito Jaden magbihis ka na at kumain na kayo ng mga kapatid mo ng meryenda" nakangiting sabi ni Inay.
May namumuong lungkot sa dibdib ko tuwing makikita ko ang ngiti ni Inay, kahit maagang namatay si Tatay ay nagawa nya paring itaguyod ang pamilya namin ng mag-isa. Kahit pagod na pagod na sya sa mga ginagawa nya araw-araw ay binibigyan nya padin kami ng matamis na ngiti.
BINABASA MO ANG
BROKEN (ONE SHOT)
Gizem / GerilimLove, Family and Future. Paano kung lahat ng yon ay kinuha sayo dahil lamang sa inggit? oneshot story Cover by @richanzai