Isang taon na ang nakalipas mula ng mangyari ang kremeng pumatay sa nobya at pamilya ni Jaden na sya mismo ang napagbintangan.
Sa isang magarang kwarto ay makikita si Robin na nakahiga sa itim na kama, Hawak nya ang baril na ginamit nya kay Stella.
'Kawawang Stella' sa isip ni Robin. Isang Taon na ang lumipas pero sariwa padin sa isipan nya ang nangyaring iyon. Dala ng sobrang galit at inggit ay nagawa ni Robin ang kremen na iyon at kahit maliit na pagsisisi ay wala syang naramdaman.
Gustong-gusto ni Robin si Stella pero dahil kay Jaden ay hindi nya ito nakuha at dahil din kay Jaden palagi syang sinasaktan ng papa nya. Gusto ng Papa nya na sya ang Valedictorian kaso di nya yun nakuha dahil kay Jaden.
"buti nga sa kanya" bulong ni Robin sa sarili nya.
*******************************************************************************
Habang naglalakad ang dalawang lalaking si Agustin at Jomar ay may nakita silang lalaking nakatayo sa ilalim ng tulay. Si Jomar at Agustin ang dalawang lalaking kasama ni Robin sa pagpatay sa pamilya ni Jaden.
Nilapitan nila Agustin at Jomar ang lalaking nakatayo.
"Ibigay mo walet mo kung ayaw mong masaktan" maangas na sabi ni Jomar.
inilabas naman ni Agustin ang kutsilyong nasa bulsa nya para itutuk sa lalaking nakatayo, Hindi nila maaninag ang mukha ng lalaking nakatayo dahil madilim ang bahaging yun.
May kinuha ang lalaki sa likod nya, akala nila ay kukuha lamang ito ng walet kaya lubos ang pagka gulat nilang dalawa ng biglang nagpaputok ang lalaki.
Halos sabay silang dalawang napaluhod sa sahig, Namimilipit sila sa sakit
Lumapit ang lalaking bumaril sa kanila at ng matamaan ng liwanag ang mukha ng lalaki ay agad na namutla sila Agustin at Jomar.
"pa-patawad" pagmamakaawa ni Jomar.
ngumiti lang ng malademonyo ang lalaking nakatayo sa kaharap nila. Itinaas nito ang baril at itinutok sa kay Jomar.
Binaril ng lalaki ang kamay, paa at tyan ng dalawa.
"Buhay ang kinuha nyo, kaya buhay din ang kapalit nito" malamig na sabi ng lalaking nakatayo sa harap ng dalawa.
******************************************************************************
Madaling kumalat ang balita ng pakamatay nila Jomar at Agustin. Hindi mapakali si Robin habang pabalik-balik na naglalakad sa kwarto nya.
Hindi mawaglit sa isipan ni Robin ang mukha ni Jaden habang iniisip nya kung sino ang pumatay sa dalawang kaibigan nya. Malakas ang kutob nya na may kinalaman si Jaden sa pagkamatay ng dalawa at alam din nyang sya na ang susunod.
Naputol ang pag-iisip ni Robin ng may kumatok sa kwarto nya, sa pag-aakalang isa sa mga katulong nila ang kumatok ay agad nya itong binuksan.
"JA- JADEN?" gulat na sabi nya ng makita ang lalaking nasa harap nya ngayon.
Napa-atras si Robin ng itinutok ni Jaden ang hawak nyang baril sa dibdib nya.
Nanginginig ang kamay ni Jaden, hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit na nararamdaman nya ngayon. Sa tuwing nakikita nya ang mukha ni Robin ay naaalala nya ang magkamatay ng nobya at pamilya nya.
"HEL------ Ahhhhh!" sigaw ni Robin ng barilin sya ni Jaden sa binti.
"Sumigaw ka pa!" sigaw ni Jaden pero di na nagsalita si Robin sa takot na baka barilin na naman sya ni Jaden.
"BAKIT! BAKIT MO PINATAY SI INAY AT MGA KAPATID KO!!" galit na sigaw ni Jaden. Isang taon na nyang gustong itanong to kay Robin.
tumawa si Robin na parang baliw.
"Bakit? hahaha wala lang, trip ko la---" hindi na natapos ni Robin ang sasabihin nya ng barilin sya ni Jaden sa balikat.
Galit na Galit na si Jaden hindi nya matanggap ang paliwanag ni Robin. Madami pa syang pangarap sa pamilya nya.
Kinuha ni Jaden ang kutsilyong nasa bulsa nya.
"Papatayin mo ako? mamamatay tao ka din pala" puno ng pangungutya ang boses ni Robin.
"Parehas lang tayo Robin. Magkita nalang tayo sa impyerno"
Paulit-ulit na sinaksak ni Jaden ang dibdib ni Robin, bawat saksak ni Jaden kay Robin ay puno ng galit.
Hindi nawala sa puso ni Jaden ang usig ng konsensya pero isinawalang bahala nya iyon. Ang tanging nasa isip at puso ni Jaden ay ang kagustuhang makapag higanti sa taong sumira sa buhay at mga pangarap nya, sa taong walang awang pumatay sa mga taong mahahalaga sa kanya.
"Inay, Patawad po, alam kong ayaw mong maging ganito ako. Patawad po Inay" iyak ni Jaden.
"Mahal na mahal ko po kayo, patawad"
Umalingaw-ngaw ang huling putok ng baril sa buong paligid.

BINABASA MO ANG
BROKEN (ONE SHOT)
Mystery / ThrillerLove, Family and Future. Paano kung lahat ng yon ay kinuha sayo dahil lamang sa inggit? oneshot story Cover by @richanzai