• FanGirl •

198 12 1
                                    

GC’s P.O.V

I’ll be back, someday.

 

Ilang beses ko na itong binabasa pero hanggang ngayon hindi ko pa rin palang tanggap na umalis siya. Huling letter na binigay niya sa akin bago siya magpunta sa bansa kung saan hindi naman niya pina-alam sa akin. 

Totoo nga ang nakasulat, may times na hindi mo mapigilan umasa at maghintay, the question is, hanggang kelan?

 

"Baby? Are you crying?" Tanong agad sa akin ni Kuya Aries pagkaupo niya sa table namin habang hawak pa ang Starbucks na kanyang binili.

"Bakit naman ako iiyak at sino naman ang iiyakan ko?" Kinuha ko na kay Kuya Aries yung Java Chip ko at tumayo na sa upuan ko. Andito pala kami sa Mall ni Kuya, sabi niya mayroon daw kaming imemeet na friend niya. Ang weird nga kase first time niya ako sinama, usually kase kapag may imemeet siya ayaw niya ng may istorbo, gusto niya private lang.

"Yang hawak mo. Yung nagbigay sayo diba?" Bwisit! Oo nga pala, sa kanya nga pala pinaabot itong sulat kaya alam niya ang lahat. Bakit kase nahulog pa ito sa libro ko kaya nabasa ko ito ulit. Nakakainis talaga!

"Pwede ba kuya wag na natin ibalik ang nakaraan, nahulog lang ito sa book ko kaya please lang wag mo na ipaalala. Bilisan nalang natin, gusto ko na rin umuwi" Nilukot ko yung sulat na binigay niya sa akin at mabilis na naglakad.

"Ikaw yung nagbabalik na nakaraan. Hanggang ngayon hindi ka parin makamove-on, sa tuwing mababasa mo yan naiiyak ka. Kaya ang tanong ko sayo: Kaya mo bang iwan ang nakaraan?"

 

Kaya ko nga bang iwan ang nakaraan?

 

 

It hit me, a lot.

 

 

 

Napahinto ako sa tanong ni Kuya Aries. Parang naging bato ako dahil dun. Nakikita ko na nauuna na sa akin si Kuya Aries sa paglalakad.

Kaya mo bang iwan ang nakaraan?

 

Ewan ko. Bakit naman niya kaya kelangan itanong sa akin yun? Sabi nga nila : Yesterday is a History. Kapag history dapat na pahalagahan at inga- Wait. Para sa akin iba ang history! Basta! Hay nako! Pinapasakit talaga ni Kuya Aries ang ulo ko.

My Unexpected Buddy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon