A BESTFRIEND'S LOVE STORY(ROMANCE)

9.3K 72 21
                                    

A/N: Storyang ito ay nabuo nung 4th year high school pa lang ako, and decided to wrote it here on wattpad ngayong 2nd year college na ko. Yun lang😂
------
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination.Any resemblance to actual persons, leaving or dead is purely coincidental.

This book may not be reproduced, redistributed or used in any manner without the express written permission of the author.

Copyright ©2017 by Kulay Berde.
All rights reserved

Started: March 22, 2017
Time: 8:00 PM
Ended: March 22, 2017
Time: 11:55 PM
------
Ako si Chin Cristine Sacarza labing pitong taong gulang, may bestfriend ako si Jhex Martin Domingo labing walong taong gulang, panget as in sobrang panget niya, Yan ang palagi kong sinasabi sakanya.

But I admit it gwapo talaga siya, sa katunayan nga maraming nagkakandarapa sakanya, sikat siya sa school dahil varsity siya. Naglalaro kasi siya ng basketball.

At ako? Ako lang naman ang huwarang bestfriend niya, yung palaging binubully ng mga babae sa school dahil naiingit sila sakin kesyo daw nilalandi ko daw si Jhex at pilit na isinisiksik yung sarili ko sakanya.

Syempre hindi ko sinasabi kay Jhex kung ano yung pinanggagawa ng mga babaeng yun sakin baka kasi magalit siya sakanila at mas malala pa yung gawin nung mga yun sakin.

Magkakilala kami matagal na, actually kababata ko siya. Alam ko lahat ng sekreto niya at kadramahan sa buhay ganun kami ka close.Maging yung mga naging girlfriend niya alam ko lahat at kilala ko lahat!

Pero ang weird lang kasi sa pakiramdam na kapag nag o-open siya sakin tungkol sa buhay pag-ibig niya eh, kumikirot yung dibdib ko, yung pakiramdam na parang tinutusok yung puso ko. Ang sakit sobra.

Hindi ko alam kung bakit, minsan nga naisip ko baka na fall na ko sakanya kasi nga araw araw kaming magkasama.

Pero hindi ko na lang pinapansin baka nangungulila lang talaga tong puso ko, hindi pa kasi ako nagkaboyfriend eh.At hindi ko rin alam kung bakit.

Naglalakad ako sa hallway ng nahagilap ng mata ko ang bestfriend kong nag e-emote na nakasandal sa pader.

"Uy! Bespren bakit nakabusangot yang mukha mo? Anong meron?"

Nakatayo ako sa harap niya, hindi man lang ako pinansin. Yumoko ako ng konti para makita ng mabuti yung mga mata niya na namumula.

"Halaaa, bespren may sore eyes ka?! Halika ka! Dalhin kita sa clinic!"

Nagpapanic na ko't lahat tinatakpan ko pa yung mga mata ko dahil sabi nila pag tumingin ka daw sa mata ng may sore eyes magkakaron ka din daw nun kaya nataranta ako.

Nabigla ako ng niyakap niya ako. At humagulgol.

"Uy bespren, okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak?"

Hinimas ko yung likod niya , sinumpong na naman ata ng kabaklaan tong bespren ko.

"Chin, di ba ko ka mahal mahal ha? Panget ba ko?"

Parang gusto kong matawa sa mga pinagsasabi niya, nailayo ko siya sa katawan ko ng biglang naramdaman kong kumabog yung puso ko.Nakatitig siya sa mga mata ko.

"A-ano, ahmm, baliw ka ba? B-bakit ganyan ka m-mag isip?"

Nauutal ako hindi ko alam kung bakit bwesit na puso to. May sakit ata ako sa puso eh, parang baliw kasi kung kumabog.

"Wala na nga talaga sigurong may nagmamahal sakin"

Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang index finger ko.

ONE SHOT COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon