Happy Valentine's ♥

876 7 0
                                    

Sawakas. February na! Eto na talaga. Sasabihin ko ng mahal ko siya! Sana kayanin. Pero anong

pwedeng gawin? Kinakabahan ako. Di ko talaga alam kung pano. Hahaha! Pero bahala na. Kaya to!

Hala! Wala daw pasok sa 14! Nako po. Pano na yan? Sa 15 na nga lang. :(

February 15, 2010.

Ako: Paul! Patulong naman. Ano pwede ko gawin para sabihin kay Sophia na mahal ko siya?

Paul: Diskarte mo yan, dude.

Ako: Hahaha. Loko ka talaga. Bahala na.

AP time na namin.. Nagdidiscuss na teacher namin. habang ako gumagawa ng plano. Bigla kong 

naisip. Gawa ako ng letters. I-L-O-V-E-Y-O-U. Tapos papatulong na lang ako mamaya sa mga tropa

kong 3rd year at mga ka batch ko. Dahan-dahang gumagawa ng letters sa bawat isang papel para 

hindi ako mahuli.

"Mr. Reyes!"

Kinilabutan ako kasi baka i-confiscate yung ginagawa ko.

"Anong date nag pledge allegiance si Aguinaldo sa U.S?"

Alam ko to eh. Alam ko birthday ko to eh.

"April 19, ser."

"Correct! Mr. Sahid! etc. etc. etc."

Haaaaaaay. Kinabahan ako dun ah. Muntik ng tumigil tibok ng puso ko. Hahahaha! Tinuloy ko na 

ang ginagawa ko. Natapos ko na ang ginagawa ko at tinext ko si Alex.

"Lexie. Patulong! Punta kayong 2nd flr mamayang dismissal. Sama mo si Sophia. May surprise

ako. :)"

Dismissal na at kabadong kabado ako. Lahat ng mga barkada ko at barkada niya sinama ko para 

tulungan ako sa gagawin ko. Nakita ko na si Sophia at naka blindfold siya. Nagdasal ako.

"Lord sana talaga maging successful to. Okay lang kung may kulang pero sana magawa ko ng

maayos."

Pinatayo ko na sila sa ground floor. Saktong sakto sa imagination ko. Umakyat akong 2nd floor at

nakita ko. I-L-O-V-E-Y-O-U. Tinanggal ko blindfold niya at nakita ko yung isa pa niyang manliligaw 

na may hawak ng bear. Inakbayan ko siya at sinabing..

Ako: Sophia. Tingin ka sa baba.

Sophia: Wala akong makita.

Ako: Nabulag ka?!

Sophia: Tange, hindi! Malabo paningin ko. Ang higpit ng blindfold.

Ako: Di ako nagtali niyan. :P

Sophia: Ano yan? Di ko mabasa.

Ako: Lumapit nga kayo! Hahaha!

Sophia: Di ko talaga makita. Fail mo naman gumawa. Naka pencil pa.

Ako: Sorry. Di prepared. Hahaha!

Barkada namin: Sabihin mo na lang kasi!

Ako: Sophia. Mahal na mahal kita.

Tumawa si Sophia at walang sagot.

Ako: Tara uwi na tayo.

Nakita ko yung manliligaw niya na parang badtrip. Sayang yung teddy bear niya. Wawa naman. 

Haha! Oo nga pala. Sa mga panahong ito wala na sila ni Ivan. May nahanap na si Ivan na iba kaya

feel ko broken-hearted to si Sophia kaya hindi pa niya masagot.

Bumaba na kami at sumama na ako sa tropa niya. Hindi ko na siya hinatid kasi nagmamadali na 

din akong umuwi. May inutos pa si inay sa'kin. Haha!

Pag-ibig ni AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon